Mask

Netizens, abangers sa ‘Ang Babae sa Likod ng Face Mask’ online serye

July 2, 2022 Ian F. Fariñas 93 views

Umani ng papuri ang bagong online serye ng Puregold Channel na Ang Babae sa Likod ng Face Mask matapos ipalabas ang isa na namang episode noong Sabado.

Kasabay ng tagumpay na ito, patuloy ring dumarami ang mga manonood na kilig na kilig at hindi na makapaghintay sa mga susunod na kabanata ng nasabing series.

Tuluy-tuloy ang pagkasabik nang mapanood sa ikatlong episode na nakatanggap si Malta ng friend request mula sa kanyang crush na si Sieg.

Hinikayat naman ni Madam Baby, ina ni Malta, na tanggapin ng dalaga ang friend request at dito na nagsimula ang online friendship ng dalawang bida.

Bagaman masaya si Malta na nakakausap na niya ang crush, hindi pa rin maiwasan ng dalaga ang ma-insecure at makulangan ng lakas ng loob na ipakita ang mukha kay Sieg.

Sa kanilang mga video call, itinatago ni Malta ang buong itsura sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang filters. At kahit na nasa bahay, palagi pa rin siyang nakasuot ng facemask.

Matapos mapanood ang pinakahuling episode, agad-agad na ibinahagi ng fans kung gaano sila kinilig at naka-relate sa kuwento ni Malta.

Samantala, mababasa na rin ang kasabikan ng netizens para sa susunod na episodes at hinihiling nila na ilabas na ang mga ito.

Ayon kay Jeseryl Maranan, “Bitin na nman ang kilig, sana araw araw nlng.”

Sabi naman ni Arjayl Martel “Waiting for 1 week is very difficult for us avid viewer but the episode really meets our expectations.”

Sa ikaapat na episode, magpapatuloy ang online na pag-uusap at pagkakaibigan ni Malta at Sieg.

Sa gitna ng pagkakamabutihan, matatakot pa rin kaya si Malta o magkakaroon na siya ng lakas ng loob na ipakita ang buong itsura sa binata?

Abangan ang susunod na mga episode ng Ang Babae sa Likod ng Face Mask tuwing Sabado, 7 p.m., sa YouTube Channel ng Puregold.

AUTHOR PROFILE