Arjo1

Sylvia kay Cong. Arjo: Iba ka manindigan, anak!

July 2, 2022 Ian F. Fariñas 88 views

UMARANGKADA agad si Arjo Atayde sa trabaho sa unang araw pa lamang ng panunungkulan bilang bagong halal na congressman ng first district ng Quezon City.

Ibinalita ng aktor-politiko ang anim na bills na kanyang na-file sa Kongreso at pakikipag-meeting kay reelected QC Mayor Joy Belmonte sa kanyang Instagram account nu’ng Biyernes.

Ani Cong. Arjo, “Filed my first 6 bills in Congress and attended an alignment meeting with the mother of QC @mayorjoybelmonte . Thank you, once again, D1 QC for putting your faith and trust in me. Looking forward to serving you for the next 3 years. I promise that I won’t stop learning and I won’t stop working.”

Ang mga bill ni Cong. Arjo ay may kinalaman sa pagdedeklara sa QC bilang film and television arts capital ng bansa; pag-upgrade sa Quezon City General Hospital and Medical Center; pagsulong sa Eddie Garcia Bill; anti-SOGIE discrimination; allowance at benefits ng mga barangay health worker; at pagtatayo ng Philippine Virology Science and Technology Institute.

Sa sipag na ipinapakita ni Cong. Arjo ngayon pa lang, hindi malayong tumatak ang klase ng serbisyo niya sa mga nasasakupan.

Matatandaan na ang hindi pagre-renew ng Kongreso sa prangkisa ng home studio niyang ABS-CBN Network ang isa sa mga dahilan ng kanyang pagsabak sa pulitika.

Siyempre, proud na proud ang pamilya Atayde sa bunga ng pagsisikap ni Cong. Arjo.

Oathtaking pa lang, emosyonal na ang mommy niyang si Sylvia Sanchez na nag-post pa ng isang mahabang mensahe sa anak sa kanyang IG account.

Anang aktres, “Ang saya saya ng puso ng isang INA kapag nakita nya na nagtatagumpay ang Anak nya sa larangang gusto nya.

“Isa ako sa pinaka masayang Ina sa araw ng iyong panunumpa bilang Congressman ng Distrito Uno ng lungsod ng Quezon City.

“At sa araw na ito anak July 1, 2022 ikaw na ang official na nakaupo bilang Congressman ng Distrito Uno. walang mapagsidlan ang kagalakan ko sa tagumpay mo. Pinaglaban mo ang gusto mo, ang laman ng pusot isip mo at pinatunayan mong tama ka. Iba ka manindigan anak!!

“Habang pinapanood kita, tinatawanan ko na lang lahat ng pagod, hirap, pangungutya sayo at sa pamilya natin dahil bago ka daw at walang alam at artista lang at kung ano ano pang masasakit na salitang ipinukol sayo.

“Lahat ng yon napawi habang pinapanood kitang nanunumpa bilang Bagong Congressman ng Distrito uno. Napaka proud ko sa mga oras na yon. pero bilang isang ina habang pinapanood kita, pasensya na anak, di ko maalis na manumbalik sa isipan ko na ito ang batang kinutya, pinagtawanan, nilait at hinusgahan pero wala akong nakita o narinig na pambabastos mo sa mga taong bumatikos syo, bagkus ang tanging sinabi mo lang sa akin, hayaan mo sila Mommy, wag tayong sumabay sa pambabastos nila, hindi tayo tulad nila. Basta ako andito tumakbo dahil gusto ko makatulong sa kapwa ko at mas makakatulong ako pag nasa pwesto ako. I dont want to be a good politician, I want to be a Good Public Servant.

“Sige anak, abutin mo lahat ng pangarap mo, gusto mong tumulong sa kapwa mo, gawin mo lahat yan. Ikalat mo sa Distrito Uno ang Respeto, Pagtitiwala, Pagmamahal, Pag aalaga, Pagpapahalaga at magtanim ka ng Kabutihan sa mga nasasakupan mo at naway Gabayan ka ng DIYOS.

“Dito lang kami lagi ni Daddy at ng mga kapatid mo na handang tumulong at aagapay sayo.

“Mahalin mo anak at alagaan mo ang mga bagong nagmahal at magmamahal pa sayo ang buong Distrito Uno.

“Kaka proud!!!!

Congratulations, Congressman Juan Carlos Campo Atayde.

“LORD, pakialalayan po anak ko ha? Nak pahabol. sa bahay tatawagin pa din kitang Arjo o Gwapo Ogag pero sa labas tatawagin kita Cong nak hahaha ok ba yon My Congressman?

“Serve QCD1 well anak,” pagtatapos ng mensahe ni Sylvia para kay Arjo.

AUTHOR PROFILE