PBBM

PBBM at ABS-CBN exec, nag-usap sa prangkisa?

July 2, 2022 People's Tonight 152 views

Image

Maluwalhating nakapag-oathtaking bilang bagong Presidente ng ’Pinas si Bongbong Marcos nito lamang June 30 kasama ang buong angkan ng mga Marcos siyempre.

Ewan lang kung pati ang mga dating maid in Malacañang ay present din sa nasabing oathtaking.

Nabanggit na rin lang ang Maid in Malacañang, ito ang pinagkaka-abalahang tapusin ng Viva Films sa direction ni Darryl Yap para maipalabas sa July 20.

In pernes, ang ganda ng awra at ngiti ni Senadora Imee Marcos sa virtual mediacon ng nasabing dramedy, ha.

First time niyang dumalo sa nasabing digicon at malayang sumagot sa mga tanong sa kanya ng showbiz media along with Viva Boss Vic del Rosario na bihira ring maki-join sa mga virtual mediacon.

Sana nga lang isinama ni Direk Darryl sa cast ng Maid in Malacañang si Sen. Imee, pero hindi maid ang role kundi eldest daughter nina ex-President Ferdinand Marcos at former First Lady Imelda Marcos.

Tutal naman, ayon mismo kay Direk Darryl, inspired ang story sa mga nangyari sa pamilya during the last 72 hours nila sa Malacañang bago sila napatalsik sa Hawaii during the Edsa Revolution noong 1986.

Pwede rin na ang ginawang title ng movie ay The Last 72 Hours in Malacañang of the Marcoses para sa pro at anti-Marcos audience.

Anyway, nasimulan na ang shooting ng Maid in Malacañang at sa July 20 na mapapanood in cinemas nationwide.

Talaga namang big ang casting nitey in pernes tulad nina Cesar Montano bilang si ex-President Ferdinand Marcos, Ruffa Gutierrez bilang si Madame Imelda Marcos, Cristine Reyes bilang si Sen. Imee Marcos, Diego Loyzaga bilang si BBM, Ella Cruz bilang si Irene Marcos, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo bilang mga maid.

Harinawa ngayong nakabalik na ang mga Marcos sa Malacañang at si BBM bilang bago nating Presidente ay muli niyang mapasigla ang lahat ng business establishments sa bansa, lalo na ang movie industry kung saan kami belong.

Sana rin ay mapababa niya ang mga presyo ng petrolyo, pagkain at lahat ng basic needs ng mamamayang Pinoy.

Ang tanong: Bigyan kaya niya ng bagong prangkisa ang ABS-CBN? Aba, may tsikang ganu’n, ha, dahil ang bali-balita, nagkausap na si BBM at ang CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak.

Well, wish ko lang, Vicky Morales.

’Yun na!. Ni Mercy Lejarde

AUTHOR PROFILE