Piolo Pascual and Alessandra de Rossi Piolo Pascual and Alessandra de Rossi

Netflix movie nina Alex at Piolo may encouraging feedback

July 17, 2021 Aster Amoyo 697 views

MAGANDA ang review at feedback sa directorial debut ng actress-turned writer, director and co-producer na si Alessandra de Rossi sa pelikulang “My Amanda” na pinagtatambalan nila ni Piolo Pascual and streaming on Netflix since last Thursday, July 15.

Alex (Alessandra) wrote the story with the help of her writer friend na si Noreen Capili na siyang sumulat ng hit Netflix movie nila ni Paolo Contis, ang “Through Night and Day” na dinirek ni Veronica Velasco which was shown in commercial theaters on 2018. Ang nasabing pelikula ay joint venture ng Viva Films at OctoArts Films ng magpinsang Vic del Rosario, Jr. and Orly Ilacad.

Alex co-produced “My Amanda” with Spring Films nina Piolo at Direk Joyce Bernal kasama ang mag-asawang Jules Ledesma at Assunta de Rossi. Si Assunta ay elder sister ni Alex.

Dahil sa magandang feedback ng unang sabak ni Alex sa pagsusulat at pagdidirek at pagiging co-producer, hindi malayong magtuluy-tuloy na ang pagiging writer-director-producer ng actress.

Ang Spring Films nina Piolo at Direk Joyce and company ang nag-produce ng 2017 hit movie nina Alex at Empoy Marquez na dinirek ni Sigrid Andrea Bernardo.

Sampung milyong piso lamang ang naging puhunan ng pelikula which was shot in Japan pero ito’y kumita ng mahigit P320-M sa box office.

Kevin licensed pilot na

KUNG gugustuhin ng Kapuso actor at Starstruck alumnus na si Kevin Santos, puwede na niyang talikuran ang kanyang showbiz career at mag-focus sa kanyang pagiging commercial pilot o di kaya sa kanyang tinapos na Political Science course sa Arellano University where he graduated cum laude. Pero sadyang mahal niya ang kanyang showbiz career na malaki rin ang naitulong sa kanya at sa kanyang pamilya.

Kevin Santos

Bibihira among the celebrities ang nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral kapag sila’y nakapasok na sa showbiz dahil kuntento na sila sa kanilang kinikita rito. Pero sadyang matayog ang mga pangarap ni Kevin para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. Sa kabila ng kanyang pagiging busy sa kanyang showbiz career ay hindi ito nagpabaya sa kanyang pag-aaral. Bukod sa kursong tinapos niya sa Arellano University, he went to flying school, ang Omni Aviation Corporation in Angeles City, Pampanga and supported himself.

Last April 30, 2021, he received his commercial pilot license mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaya puwede na siyang magtrabaho bilang isang commercial pilot.

Si Kevin ay isa sa mga Avengers ng Startruck Season 2 kung saan sina Ryza Cenon at Mike Tan ang tinanghal na Ultimate Survivors.

The actor-pilot ay mapapanood sa upcoming TV series ng GMA, ang “Legal Wives” na tinatampukan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.

Abby tuluy-tuloy na muli ang career

AFTER her guest appearance sa longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano,” muling mapapanood si Abby Viduya (Priscilla Almeda) sa upcoming action-adventure TV series ng GMA Public Affairs, ang “Lolong” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid with Shaira Diaz and Arra Agustin. Kasama rin sa nasabing serye sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Bembol Roco, Malou de Guzman, Maui Taylor, Leandro Baldemor, Mikoy Morales, Ian de Leon, DJ Durano at Marco Alcaraz.

Jomari Yllana and Abby Viduya
Jomari Yllana and Abby Viduya

Abby is back mula sa kanyang pamamalagi sa Canada sa loob ng ilang taon and has since reconciled with her former Guwapings boyfriend na si Jomari Yllana na matagal nang annulled ang kasal sa kanyang ex-wife na si Aiko Melendez kung kanino siya may isang anak, ang 22-year-old na si Andre Yllana. May dalawa ring anak na parehong lalake si Jomari sa kanyang ex-girlfriend na si Joy Reyes bago sila nagkabalikang muli ni Abby.

Si Abby ay hiwalay na sa kanyang partner in Canada kung kanino siya may dalawang anak na parehong babae.

Hindi ikinakaila ni Abby na sobra umano niyang na-miss ang kanyang showbiz career when she left for Canada para roon mabuhay bilang isang pribadong individual. After over two decades ay bumalik ng Pilipinas si Abby in 2019.

Yam ikakasal na sa New York

SA pamamagitan ng isang exclusive interview ni MJ Felipe sa lead star ng “Init sa Magdamag” na si Yam Concepcion na ginanap sa Central Park in New York City recently, inamin ng actress na nakatakda siyang ikasal sa kanyang fiancé, ang New York-based na si Miguel CuUnjieng sa katapusan ng buwang ito.

Yam Concepcion

Isang intimate wedding ang nakatakdang maganap sa Manhattan, New York, USA to be attended ng kanilang respective families and close friends.

Since tapos ang ang lock-in taping ng “Init sa Magdamag,” tumulak patungong New York si Yam last May to be with her fiancé. Since may work si Miguel, siyang mag-isa ang nag-aasikaso ng mga preparation ng kanilang na kasal.

Yam and Miguel carried a six-year relationship before they got engaged nung New Year’s eve in Niseko, Japan but it was only nung nakaraang June 23, 2021 nang kanyang i-post sa kanyang Instagram account ang tungkol sa kanilang engagement na mahigit dalawang taon din nila naitago sa publiko maging sa kanilang respective families and close friends.

Bago pumasok ng showbiz in 2013, tinapos muna ni Yam ang kanyang pag-aaral ng Multi-Media Arts sa De La Salle University – College of Saint Benilde.

Ang hit primetime TV series na “Init sa Magdamag” ay maituturing na first biggest break ni Yam bilang lead actress with Gerald Anderson and JM de Guzman as her leading men.

Since ikakasal na si Yam sa kanyang New York-based fiancé, nangangahulugan kaya ito na tatalikuran na niya ang kanyang showbiz career para doon na rin mamuhay to start a family?

Si Yam ay isa sa mga contract stars ng Viva at ABS-CBN.

Efren gustong ipagpatuloy ang pagiging actor-director

GUSTONG sundan ng actor na si Efren Reyes, Jr. ang yapak ng kanyang late actor father na si Efren Reyes, Sr. hindi lamang bilang actor kundi bilang writer at director na rin.

Efren Reyes, Sr.

Si Efren ay pang-apat na henerasyon ng mga artist mula sa kanilang angkan. Ang kanyang great grandfather, ang playwright na si Severino Reyes ay tinaguriang Ama ng Sarsuela. Writer naman ang kanyang paternal grandfather na si Pedrito Reyes. Ang kanyang amang si Efren Reyes, Sr. ay dating actor, writer, director at film producer. Isa namang actress, director at producer ang kanyang yumaong inang si Virginia Montes.

Nakapagsulat na rin at nagkapagdirek si Efren ng ilang pelikula na gusto niyang ipagpatuloy ngayon.

Efren started his acting career as a child actor sa pamamagitan ng “Eskinita 29” na ipinalabas in 1967. Magmula noon ay nagtuluy-tuloy na ang kanyang acting career hindi lamang bilang action star kundi mas in-demand siya ngayon sa mga villain roles.

“I can tackle any roles,” proud na pahayag ni Efren na nasa pangangalaga na ngayon ng Viva Artists Agency (VAA).

AUTHOR PROFILE