Ariel Inton

NCAP hiniling na gawing ‘friendly’

August 7, 2022 Jun I. Legaspi 420 views

MARIING nanawagan ang mga transport at commuter groups sa mga local government units na nagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) na gawing “friendly” ang pagkuha ng lisensya at pag contest sa mga traffic violations.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, president ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) daig pa ang korte sa hirap na i-contest ng mga motorists ang huli sa NCAP violations.

“Mapipilitan ka na lang talaga bayaran ang multa kahit masama ang loob mo. Guilty agad,” saad ni Inton.

Ayon kay Inton, dapat ay user friendly ang mga instructions na ibinibigay ng mga LGUs kung paano i-contest ang mga huli sa NCAP.

Huwag ng pahirapan pa, dagdag pa niya.

“Base sa instruction hindi puede na sulat kamay o basta gawa mo ang objection. Dapat i-download ang appeal form at dapat notaryado. Eh sa notaryo gastos agad, pag download pa gastos uli, doble doble said ka na sasaidin ka pa,” dagdag pani Inton.

Tanong pa ni Inton, “Bakit hindi puede na doon sa appeal form ay i-fill up na lang doon at i-submit by email o sa website na lang? Bakit kailangan notaryado? Balak pa ba nila mag-file ng perjury case laban sa motorista? Bakit hindi na lang sa hearing ay doon mag-provide sila ng libreng notaryo o mag-assign ng person who can administer oath para wala ng gastos. O di kaya huwag na mag require ng notarized appeal form. Dito pa lang ay pahirapan na! Kung magka hearing ka na sila pa ang nagdedecide IF NECESSARY, gaano kaya katagal? At kung hindi ka sangayon sa judgment nila puede ka ba mag apila at saan?”

Panawagan ng (LCSP) sana ay makita ng mga nagpapatupad ng NCAP ang mga pointers na ito.

“Hindi tayo tutol sa pagdidisiplina sa lansangan. Huwag naman sanang mas pahirap pa ang paraan dahil tuwirang tutulan ito ng LCSP, saad ni Inton.

AUTHOR PROFILE