NAIA RARE BREED–Ang mga US dollar habang binibilang ng mga opisyales ng airport police.

NAIA porter nagsauli ng P.56M na naiwan ng turista

April 16, 2024 Jun I. Legaspi 106 views

ISANG tapat na airport porter sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang nagsauli ng $10,000 (P560,000) na naiwan ng isang Korean tourist.

Sa ulat ni Col. Levy Jose ng Airport Police kay Airport General Manager Eric Ines, kinilala ang airport porter na si Victor Perez ng D Frada Porterage Company.

Kinukuha ni Perez ang mga push carts sa NAIA Terminal 1 arrival extension noong Abril 13 ng makita niya ang bundle ng pera sa harapan ng push cart.

Ni-report ni Perez sa Airport Police na nagreview naman ng CCTV footages para makita ang pasahero na nakaiwan ng pera.

Sa imbestigasyon, nakilala ang may-ari ng pera na si Jae Koo Lee, 60, at bagong dating sa bansa mula Incheon, Korea.

Naglalaman ang bundle ng pera ng 100 piraso ng $100 o kabuuang $10,000.

Pinuri ni Ines ang honest airport porter sa pagsunod sa airport protocol sa pagrerecover ng mga naiiwang gamit ng mga pasahero.

“Victor Perez is our modern day hero whose virtue should be emulated by all airport employees,” pahayag ni Ines.

AUTHOR PROFILE