Stroke HEAT OF THE DAY–Inaasikaso ng mga rumespondeng tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang senior citizen na taxi driver matapos mabangga sa poste makaraang mawalan ng malay dahil sa init. Kuha ni Jon Jon Reyes

Driver na heat stroke; taxi sumalpok sa street light

April 16, 2024 Jonjon Reyes 67 views

NA-HEAT stroke at nawalan ng malay ang isang taxi driver habang nagmamaneho kaya bumangga sa street light sa United Nations Avenue tanghaling tapat ng Martes.

Nang magkamalay, sinabi ni Efren, 70, ng Sampaloc, Maynila na bigla siyang nawalan ng ulirat dahil sa sobrang init.

Una, ayon sa driver, nakaramdam siya ng pagkahilo hanggang sa mawalan ng malay kaya nagtuluy-tuloy at sumampa ang kanyang taxi na isang Avanza sa gutter sa UN Avenue.

Binibigyan ng first aid ang biktima ng biglang sumuka ng dugo at lumupaypay kaya ipinapalagay na na-heat stroke ang driver dahil ayon sa anak ng biktima may history na ito ng stroke.

Samantala, patay na ang driver ng truck na bumangga sa tapat ng Manila Medical City sa UN Avenue kanto ng Taft Ave, matapos ding ma stroke dahil din sa tindi ng init ng panahon noong Sabado.

AUTHOR PROFILE