Default Thumbnail

Dapat managot ang Maynilad sa “sinkhole”- Revilla

April 16, 2024 Edd Reyes 84 views

NAIS ni Senator Ramon “Bong” Revilla na panagutin ang Maynilad at kanilang mga contractor sa perhuwisyong idinulot ng malaking butas sa gitna ng Sales Road na isang major roads na nitong nakaraang linggo, Abril 14.

Sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang naturang butas na unang napagkamalang sinkhole dahil lumaki ito ng lumaki ng dalawa hanggang tatlong metro at may lalim na walo hanggang 10-talampakan ay sanhi ng tumagas na pipeline ng Maynilad Water Services Inc.

“Dapat mapanagot ang Maynilad at ang mga contractors nila dito! This poses great danger lalo na sa mga motorista, at kung di agad nakita at napabayaan, baka pati sa mga residential properties at buildings sa area ay magdulot din ng panganib.. Kung makikita niyo nga yung butas, malapit na siya sa pundasyon ng NAIAX elevated highway. Nakakatakot ang posibleng epekto nito kung sakali,” paliwanag pa ni Revilla na siyang Chairman ng Senate Committee on Public Works.

Binigyang diin ni Revilla na dapat talagang managot ang nabanggit na water concessionaire upang higit silang maging reponsable sa magiging epekto ng kanilang ibinibigay na sebisyo.

“Hindi pwedeng hayaan lang na ire-repair tapos wala na. Hindi ‘yon accountability. Dapat may managot para magsilbing daan ito para mas maging proactive ang mga service providers sa mga projects nila, hindi lang basta reactive kapag may problema na. Ilang beses na tayo nakakatanggap ng report na may pumutok na pipe sa ganito, minsan nagdudulot pa ng baha at nakaka-abala. Dapat bago pa lang magkaroon ng leak, na-check na. Tuloy-tuloy dapat ang inspection at maintenance,” dagdag pa ng Senador.

Tiniyak naman ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na handa silang ayusin ang ‘sinkhole’ upang masigurong magiging maayos na ng husto dahil hindi magiging maganda ang epekto kung bara-bara lang ang pagreretoke nito.

AUTHOR PROFILE