Mystery

Mystery bebot nakitang walang panty, nabubulok

August 9, 2023 Steve A. Gosuico 252 views

GENERAL TINIO, Nueva Ecija – Aksidenteng natagpuan nitong Martes sa loob ng isang manggahan sa bayang ito ang isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae na nasa advance state of decomposition na.

Sinabi ng pulisya na ang bangkay ay natuklasan ni Rizal Jay Martin, 19, binata at magsasaka na taga Sitio Sibug, Barangay Rio Chico, habang nag-iispray ng insecticide sa Sitio Pahalang dito dakong 2:30 p.m.

“Naaagnas na ang bangkay nang matagpuan, di malaman agad kung babae o lalaki kasi inuuod na siya. Nalaman lang na babae ang kasarian nito after ma-SOCO (Scene of Crime Operation),” sinabi ni SSgt. Jeffrey M. Pineda, ang case investigator, sa Journal Group sa isang phone interview.

Sinabi ng saksi sa pulisya na ang bangkay ay natagpuan na walang suot na pang-ibabang damit.

Sinabi ni Pineda na isinasailalim na ngayon sa autopsy examination ang bangkay upang matukoy kung may foul play o ginahasa ang biktima.

“Sa kasalukuyan, hindi pa natin alam kung may foul play o kung may nangyaring panghahalay sa biktima kasi hindi pa tapos ang autopsy sa bangkay,” ani Pineda.

Nagsasagawa pa rin ng follow-up investigation ang pulisya sa pamamagitan ng pangangalap ng affidavits ng mga testigo para alamin ang pagkakakilanlan ng biktima.

AUTHOR PROFILE