Engineer SLAIN, CHOPPED OFF. The dismembered body of an engineer stuffed in separate sacks and dumped in a grassy area in Bgy. Habay 1, Bacoor City, Cavite. The suspect, who was arrested in a follow-up operation, was the victim’s house’ caretaker (in another photo). Photo courtesy of the Bacoor PNP

ENGINEER TINADTAD, PINAGKASYA SA 4 NA SAKO

August 9, 2023 Dennis Abrina 1164 views

Engineer1SuspekBACOOR CITY, Cavite – Matapos mapaulat na nawawala ang isang civil engineer ng mahigit isang buwan na, natagpuan ang pinaghiwa-hiwalay na bangkay ng biktima na inilagay sa apat na sako at itinapon sa madamong bahagi ng Neverland sa Barangay Habay 1, Bacoor City sa Cavite nitong Miyerkules.

Kinilala ang biktima na si Napoleon Fernandez, nasa hustong gulang, isang civil engineer at residente ng Bgy. Habay, Bacoor City.

Naaresto ang suspek sa mismong bahay ng biktima kung saan ito’y nagtatrabaho bilang caretaker. Tatakas na sana ang suspek nang maabutan ng mga pulis.

Ang suspek ay kinilalang si Romnick Missiona Bombeo, 30-anyos, isang construction worker at caretaker na tumira sa bahay ng biktima, at may address na 1309 Espiritu Compound, Bgy. Zapote, Las Piñas City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, humingi umano ng tulong sa kanila ang nakatatandang kapatid ng biktima na si Danilo Fernandez na nakatira sa Bgy. San Isidro, Talisay, Cebu City. Tumawag ito sa telepono sa Bacoor Police hinggil sa pagkawala ng kaniyang kapatid simula noong Hulyo 7 ng taong ito.

Agad na pinuntahan ng mga pulis ang bahay ng biktima at naabutan ang suspek na papaalis na at may bitbit na backpack.

Tinanong nila ang suspek kung nasaan ang biktima at ang sagot nito ay nagbabakasyon ito.

Ngunit napansin ng mga pulis na balisa ang suspek at nauutal sa pagsagot. Kinausap ng mga pulis ang suspek at nang tanungin kung maaaring makita ang laman ng kaniyang backpack ay nagalit umano ito at kinagat ang isa sa mga alagad ng batas, bago tumakbo palayo.

Nagkaroon ng habulan hanggang sa mahuli ang suspek at nang suriin ng mga pulis ang laman ng kaniyang bag, nakita ang maraming pera na nagkakahalaga ng P4,926,100, tatlong gintong bracelets, tatlong gintong chains, isang gintong singsing, dalawang relo, dalawang Samsung Flip cellphones, wallet at iba’t ibang ID na pag-aari ng nawawalang biktima.

Agad na inaresto ng mga pulis ang suspek at pagdating sa police station ay inamin nito na siya ang pumatay sa biktima at itinuro kung saan niya ito itinapon.

Ayon sa suspek, wala siyang pakialam sa suweldo ng biktima. Pinagalitan siya umano nito kaya nagdilim ang paningin ng suspek at nang tumalikod ang biktima, kinuha niya ang naka-display na samurai na pag-aari ng biktima at dito niya pinag-chop-chop ang biktima, bago inilagay sa mga sako at itinapon sa nasabing lugar.

AUTHOR PROFILE