Default Thumbnail

MWP sa rape timbog sa Bauan

November 22, 2023 Jojo C. Magsombol 148 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Sa kulungan bumagsak ang isang lalakeng wanted sa kasong rape matapos madakip ng mga otoridad sa Bgy. Manghinao Proper, Bauan, Batangas, noong Lunes.

Ang akusado ay nakilalang isang alyas Marjun, ayon sa report ni Batangas Provincial Director Col. Samson B. Belmote kay Acting Police Regional Office Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas.

Ang pinagsanib na tauhan ng Bauan Municipal Police Station (MPS) (lead unit), kasama ang RIU4A-PIT Batangas, RID4A-RIT Batangas, 403rd RMFB4A, 2nd BPMFC 3rd Maneuver Platoon, PIU Batangas PPO, Batangas MARPSTA at SOU3 Maritime Group ay nagsagawa ng manhunt operation bandang alas-4:50 ng hapon, ika-20 ng Nobyembre 2023 laban sa akusado ng tinaguriang most wanted person sa regional level.

Si alyas Marjun ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest para Rape na may apat na bilang na inisyu ni Judge Myla Villavicencio Olan, ng Family Court, Branch 1, ng Batangas City na may petsang November 20, 2023.

Walang piyansang inirekomenda para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Kasalukuyang nakapiit ang akusado sa kulungang bayan ng Bauan.

AUTHOR PROFILE