Default Thumbnail

MWP nahulihan ng P.3M shabu; armas, granada sa Zambo Del Norte

February 25, 2023 Zaida I. Delos Reyes 261 views

AABOT sa P355,368 halaga ng shabu, granada, at armas ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa inarestong “most wanted person” (MWP) sa Zamboanga del Norte.

Ang naarestong suspek ay residente ng Barangay Poblacion, Sindangan.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, ang suspek ay naareto ng mga tauhan ng 905th Maneuver Company, RMFB 9 sa bisa ng search warrant na inisyu 9th Judicial Region RTC Branch 11, Executive Judge Mumdlyn G. Misal-Martin para sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 at RA 10591.

Nakuha mula sa suspek ang 15 plastic sachets ng shabu, isang malaking plastic ng shabu, dalawang piraso ng pouch, apat na lighter, dalawang tissue paper, plastic sealer, digital weighing scale, white extension wire, gunting, foil, 16 piraso ng rolled cut aluminum foil, improvised wooden clipper, isang .38 revolver, isang granada, at iba pang shabu paraphernalia.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Sindsngan Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Pinapurihan naman ni PRO 9 Director Police Brig. Gen. Neil Alinsangan ang kanyang mga tauhan sa matagumpay na operasyon.