Default Thumbnail

MWP na lider ng ‘crime group’ timbog sa Biñan

September 8, 2022 Gil Aman 262 views

KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL – Arestado ang isang lider ng isang crime group at kabilang sa rank no. 3 “most wanted person” (MWP) ng Laguna sa isinagawang manhunt operation ng Biñan City Police, araw ng Miyerkules.

Base sa ulat ng Biñan Police, ganap na 4:30 ng hapon sa Barangay San Antonio, naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong 2 counts ng robbery na inihain noong Agosto 22, 2022 at may nakalaang piyansa na aabot sa P100,000 pesos bna inisyu ng Regional Trial Court, Branch 108, Cabuyao City, Laguna.

Ang nasabing grupo ay nag-o-operate sa Biñan City, Sta. Rosa City, at sa ikalimang distrito ng Cavite.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan Police ang akusado habang ang korteng pinagmulan ng warrant of arrest ay iimpormahan sa pagkakaaresto nito.

AUTHOR PROFILE