Default Thumbnail

MPD Station 11 anti-crime ops nakalambat ng 8 suspek

September 2, 2022 Jonjon Reyes 363 views

WALO ang sunod-sunod na naaresto kabilang ang mga dayuhang Tsino sa pinaiiral na “One-time, big-time” na pinagpapatuloy na rin sa direktiba ng Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre P. Dizon matapos na isilbi ang kanilang mga arrest warrant ng mga operatiba ng MPD Binondo Police Station 11 kabilang sa Mandaluyong City at sa Taguig Jail, iniulat ng pulisya.

Unang naiulat ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., station commander ng MPD Station 11 na nag-isyu ng warrant of arrest si Acting Presiding Judge Jennifer Bautista Escopezo-Bayaua, Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 24, City of Manila dahil sa paglabag sa Tax Reform Act of 1997 (Sec. 266 of RA 8294) sa panulukan ng Teodora Alonzo at Ongpin Streets sa Binondo, nitong umaga ng Setyembre 1, 2022.

Nakilala ang dalawang suspek na parehong Chinese national at isang 58-anyos na Filipino-Chinese na nakatira din sa nasabing lugar.

Sa pangunguna at pakikipagtulungan nina P/Cpt. Fredwin Sernio ng Intelligence Section MPD Station 11 at PCpt. Joselito Delos Reyes ng warrant section ng 4th MFC RMFB kasama si P/Maj. Ronilo Aquino, naaresto ang walong individual na katao kabilang ang mga dayuhang Chinoy na may mga iba’t-ibang kaso sa loob lamang ng isang linggo

Paglabag sa Tax Reform Act ng 1997 Section 266 ng RA 8294 na ibinaba ng (MTC) Br. 24 na may piyansang P12,000.

Samantala sa Mandaluyong City naman nagtungo ang mga operatiba bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Karen Maramba Firme, MTC Br. 60 at may petsang Agosto 31, 2022 dahil sa kasong Bouncing Check Law (BP22).

Dakong 7:30 ng gabi, nitong nakaraang Agosto 31 ng arestuhin ang isang ginang sa Binondo, Maynila.

Nabatid na ang mga operatiba ng Juan Luna Police Community Precinct (PCP) sa pamumuno naman ni P/Maj. Kherwin Evangelista ang umaresto sa suspek.

Samantala, nag-isyu ng warrant of arrest si Presiding Judge Peter Steve Lim ng MTC Br. 3 ng Maynila na may petsang Agosto 31 dahil sa kasong grave coercion (RPC) Art. 286 at Consumer Act of the Philippines (RA 7394) Violation of Art. 50 Par. 1. sa suspek na isa umanong guro at isa pang Chinese national.

Kasong paglabag naman sa Section 48 (1) ng R.A 9003 (Ecological Solid Management Act of 2002) na inisyu ni Presiding Judge Maria Ella Cecilia Dimaandal Dumllao-Escalante ng MTC Br. 36 ng Quezon City na may inirekomendang P2,000 piyansa sa nahuling binatang suspek sa Binondo.

Sa loob ng piitan ng Taguig City Jail pasado ala-1:00 ng hapon nang isinilbi ang arrest warrant kay Antonio Bonu-an Jr. dahil sa kasong robbery at carnapping na inisyu ni Presiding Judge Joel Socrates Salgados Lopena ng RTC (Regional Trial Court) Br. 80 ng Quezon City.

AUTHOR PROFILE