Danao Nagbigay ng paalala si NCRPO Chief Police Maj.General Vicente D. Danao Jr. sa publiko na huwag munang magtungo sa sementeryo sa araw ng Undas upang maiwasan ang pagdami ng tao at ang pagkalat ng COVID-19 sa Metro Manila. Kuha ni JON-JON REYES

MPD, PCG naka-alerto para sa Undas 2021

October 28, 2021 Francis Naguit 407 views

NAKAALERTO ng 24 oras ang buong puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) at MPD na naka ‘heightened alert status’ sa lahat ng kanilang operating units umpisa sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3 bilang preperasyon sa Undas 2021.

Ayon kina MPD Director PBGen.Leo M. Francisco at PCG Commandant Vice Admiral Leopoldo Laroya , inaasahan nila ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan upang bisitahin ang kanilang mga kaanak sa mga probinsya.

Bukod dito, maraming mga taga-Metro Manila at galing sa ibang siyudad ang inaasahan na dadagsa sa mga tourist destination simula Biyernes.

“The Coast Guard Districts and MPD are conducting 24/7 operations to monitor nautical highways routes, especially in the Visayas where the majority of tourist destinations are now revamping local tourism. I have directed concerned units to ensure maritime security and safety in our western and eastern seaboards, as well as inter-island routes. Our deployable response groups, with the PCG Auxiliary, are all-set for these operations,” ani Laroya.

inihayag ni PMGen. Vicente Danao Jr. na nakahanda ang puwersa ng pulisya para magpatrolya at magmonitor sa kanilang mga lugar ng responsibilidad para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Undas.

Ang mga pampubliko at pribadong sementeryo, memorial park, at columbarium sa buong bansa ay isasara mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 upang maiwasan ang higit pang pagkalat ng sakit na coronavirus.

Ang mga tauhan ng PNP ay naka-deploy na mula Oktubre 25, 2021.

“Gusto ko pong paalalahanan ang atin pong mga kababayan lalong lalo na po ngayon na umuulan na kung pwede ay huwag na po nating dalhin ang iyong mga maliliit na anak sa pagbisita po sa sementeryo kasi nga po mayroon pa po tayong pandemic at bawal po sa loob ng sementeryo. Bawal po ang magdala ng alak, bawal po magbenta siyempre bawal rin pong uminom sa loob po ng sementeryo ng any liquor. Let us pray for our departed loved ones solemnly para maidaos po natin ang UNDAS ng maayos,” ani Danao. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE