Francisco Mainit na sinalubong ni MPD Director Police Brig. General Leo M.Francisco (kanan) sa isinagawang arrival Honor si NCRPO Chief Police Maj. General Vicente D. Danao Jr. sa MPD. Kuha ni JON-JON REYES

Danao nag-command visit sa MPD

October 28, 2021 Francis Naguit 354 views

NAGSAGAWA ng Command Visit si NCRPO Chief Police Maj.General Vicente D. Danao Jr. sa himpilan ng Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni Police Brig. General Leo M. Francisco upang mag sagawa ng Talakayan o Talk to Men sa lahat ng kapulisan ng MPD..

Kabilang sa mga dumalo ay ang Command Group, D-staff, Station/PCP commanders, unit chiefs at NUP’s at maging ang iba’t ibang unit chief ng MPD.

Mulijg ipinaalala ni Danao ang kanyang direktiba hinggil sa striktong pagpapatupad ng kanyang cleanliness program

Ang Oplan Litis – Linisin, Litisin Tiwali, Tamad at Iskalawag sa hanay ng kapulisan ay kabilang sa naging programa ni Danao noong siya pa ang District Director ng MPD.

Ang slogsn ng MPD ay M- Mapagkakakatiwalaan P-Protektor ng inaapi at inosenteng sibilyan at ang 𝐃-Disiplinado at Dedikado sa serbisyo.

Pinarangalan din ang mga kapuri-puring miyembro ng MPD. Lubos naman ang pasasalamat ni MPD Director Leo ‘Paco’ Francisco kay Danao dahil sa walang sawang suporta at pagmamahal nito sa lahat ng kapulisan sa Metro Manila. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE