MPD Pinarangalan ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr. (kaliwa) ng Certificate of Appreciation si CEO PGFLEX Nelson Guevarra dahil sa walang sawa nitong pagtulong at suporta sa mga kapulisan kasama si Jon-jon Reyes photojournalist ng People’s Journal at People’s Tonight sa nasabing parangal at pagtitipon. Kuha ni Jon-jon Reyes

MPD Binondo Stn. 11 binigyang parangal ang SAC

February 23, 2022 Jonjon Reyes 276 views

NAGSAGAWA ng pagpupulong ang mga kapulisan sa pamumuno ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., hepe ng Manila Police District (MPD) Station 11 sa Binondo, Manila kasama ang Station Advisory Council (SAC) sa pamumuno naman ni FFCCCII External Affairs Committee Chairman at CEO PGFLEX Nelson Guevarra na siya rin chairman ng SAC.

Sa naganap na pagpupulong inilatag ni P/Lt. Col. Gallora Jr. ang mga matagumpay na “peace and order” sa Binondo maging ang mga pagkakahuli ng mga most wanted na personalidad at mga kriminal.

Naging matagumpay din ang nakalipas na Chinese New Year dahil sa ginawa nilang mga checkpoints, “Oplad Galugad”, “Oplan Sita”, at maging ang Comelec Checkpoint sa araw-araw sa paanan ng Jones Bridge na sakop ng distrito ng Binondo.

Ayon pa kay P/Lt. Col. Gallora Jr. sila ay hindi titigil sa pagpapatupad ng batas sa area ng Binondo hangang sa tuluyang maging maayos, mapayapa, at tahimik ang kanilang nasasakupang presinto.

Lubos naman ang pasasalamat at paghanga ni SAC Chairman Guevarra sa kasipagan ng mga kapulisan dahil aniya magiging mapanatag ang kalooban ng mga Chinoy na naghahanapbuhay o may mga negosyo sa nasabing lugar.

Sa pagtatapos ng pagtitipon ay pinarangalan naman ng isang “Certificate of Appreciation” ng MPD Stn. 11 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Gallora Jr si Guevarra dahil sa walang sawa nitong pagtulong at suporta sa mga kapulisan.

Kabilang din po si Jon-jon C. Reyes, photojournalist ng People’s Tonight at People’s Journal ay tumangap ng nasabing parangal bilang representative ng Media Advisory Council ng MPD Stn. 11 sa Binondo, Manila. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE