TNVS Si #LABAN TNVS national president Leonardo de Leon Jr. (may hawak ng mike) habang nagtatalumpati bago ang isinagawang motorcade bilang protesta sa oil price increase. Photo courtesy by: #LABAN TNVS

Motorcade vs oil priced hike isinagawa

October 25, 2021 Jun I. Legaspi 427 views

PINANGUNAHAN ng transport group #LABAN TNVS ang ginawang motorcade bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petroleum products, pangunahin na ang diesel Lunes sa Quezon City.

Ang motorcade ay ginawa ng grupo kasama ang Pinangisang Samahan ng Tsuper at Operaytor Nationwide (PISTON), Anak Pawis at Kilusang Mayo Uno upang ipakita sa gobyerno.

Sa isang interview, sinabi ni Leonardo de Leon jr., national president ng #LABAN TNVS na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petroleum product lalo ang diesel ang siyang “papatay sa industriya ng transportation.”

“Halos linggo-linggo ang bulk increases ng petroleum at kung hindi ito mapipigil talagang ito ang papatay sa transport,” saad ni De Leon.

Ayon kay De Leon at mga kaalyadong grupo, magtutuloy-tuloy ang kanilang mga motorcade protest hanggang walang solution na naibibigay ang gobyerno lalo na ang Department ofEnergy kaugnay sa patuloy na pagtaas ng diesel at gasolina.

Sa report Martes muling tataas ng P0.45 per liter ang diesel at ang gasolina ay P1.15 per liter.

Kaugnay nito, naglaan ang gobyerno ng P1 billion cash assistance para sa 178,000 drivers ng public utility vehicle na naapektuhan ng pagtaas ng petroleum products lalo na ang diesel.

Ayon sa Development Budget Coordination Committee, pangangasiwaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng assistance hanggang 2021.

AUTHOR PROFILE