Imee

Mother and son bonding nina Imee at Matthew nasa YouTube

July 9, 2022 Ian F. Fariñas 292 views

SAKSIHAN ang bihirang bonding sa pagitan ni Imee Marcos at ng kanyang anak na si Governor Matthew Manotoc ng Ilocos Norte sa isang brand-new vlog entry sa official YouTube channel ng senadora.

Mapapanood sa vlog sina Imee at Matthew na game na game na nagkuwentuhan sa isang madibdibang usapan habang sinasagot ang mga katanungang hindi pa nila naitatanong sa isa’t isa.

Mula sa nakakaaliw hanggang sa mga pagkakataon na tiyak na makukurot ang puso ng mga manonood, maaaring abangan ng mga tagahanga ang mga ’di malilimutan at heartwarming na karanasan kasama ang mag-ina.

“Bibihira kaming magsama ni Matt para ma-enjoy ang company ng isa’t isa dahil pareho kaming very busy,” sabi ni Imee. “Alam naming ang konsepto ng vlog at tawa lang kami nang tawa. At one point, we really forgot that there were cameras rolling. It felt great to do this with him and I’m excited to share all the fun that we had in shooting the video.”

Kahapon, dinala ng senadora ang kanyang YouTube viewers sa ultimate Davao crawl sa kanyang pagbisita sa pinakasikat na tourist destinations ng lungsod gaya ng pinag-uusapang Magsaysay Fruit Vendors, Davao City Hall, San Pedro Cathedral, Quezon Park at Poblacion Market Central.

Tinikman din ni Imee ang masasarap na pagkain ng lungsod sa isang tanghalian kasama sina Mayor Baste Duterte at Senator Bong Go.

Hosted ang lunch ni April Dayap ng Davao City Investment Promotion Center (DCIPC) sa Marina Tuna Bo. Pampanga habang tinapos naman niya ang kanyang araw sa Kusina Dabaw – na kilala sa masasarap nitong lomi, homemade breads, pancit guisado, lumpiang shanghai at siopao.

AUTHOR PROFILE