Vice Ganda at Coco muling maglalaban sa MMFF

July 9, 2022 Aster Amoyo 694 views

Coco

INILABAS na ng pamunuan ng MMFF ang unang apat na pelikula na kalahok sa 48th Metro Manila Film Festival at ang mga ito ay ang “Partners in Crime” na pagsasamahan nina Vice Ganda at sexy star at top YouTuber na si Ivana Alawi na pamamahalan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina at joint production ng ABS-CBN Film Production and Viva Films mula sa script ni Marico Sotto. Si Coco Martin naman at Jodi Sta. Maria ay magtatambal for the very first sa “Labyu with Accent” na pamamahalaan mismo ni Coco using his real name, Rodel Nacianceno at co-production ng ABS-CBN Film Production and CCM Film Productions ni Coco.

Ang pangatlong entry ay ang “The Teacher” na tatampukan nina Toni Gonzaga at Joey de Leon na pamamahalaan ni Paul Soriano under his own Ten17 Productions habang ang pang-apat ay ang pelikulang “Nanahimik ang Gabi” na tatampukan nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo at Mon Confiado under Rein Entertainment Production.

Ang natitira pang apat na pelikula (finished products) na bubuo at papasok sa Top 8 ng MMFF ay nakatakdang ipaalam sa publiko sa buwan ng October. Samantala, magiging barometro ang darating na MMFF sa Disyembre kung maibabalik na ang interest ng publiko sa panonood ng pelikula sa mga sinehan.

Kahit nagbukas na matapos magsara ang mga sinehan dahil sa pandemya ay hindi pa rin ganoon ka-aggressive ang moviegoing public. Ang marami sa kanila ay nasanay na sa panonood sa Netflix at iba pang alternatibong digital streaming apps.

Janelle

Janelle okey lang tawaging sexy star

2019 Miss Earth Philippines, Janelle Tee ,is grateful sa takbo ng kanyang acting career ngayon sa tulong ng kanyang home studio, ang Viva.

Sa story conference ng kanyang kauna-unahang four-part series onVivamax, ang “Katawang Lupa” mula sa panulat at direksiyon ng award-winning writer-director na si Joey Javier Reyes na nakatakdang ipalabas on September 25, inamin ng actress, host at dating beauty queen na maliit pa siyang bata noon sa Davao ay pangarap na niyang mag-artista at maging beauty queen. At never umano siyang itinulak ng kanyang parents.

Janelle was sixteen nang siya’y maging Miss Davao. Dalawang beses umano siyang sumali sa Miss Earth Philippines pageant. Hindi man siya pinalad sa unang pagkakataon ay hindi raw siya nawalan ng pag-asa at muli siyang sumali at doon siya pinalad na makuha ang koronang inaaasam and represented the country sa Miss Earth competition participated in by representatives from different countries.

Ayon sa isa sa mga sexy stars and actresses sa bakuran ng Viva, marami umano siyang natutunan and discoveries when she joined the pageant laluna pagdating sa disiplina at pakikipagpakapwa-tao.

Even before she joined the pageantry ay nakagawa na rin siya ng ilang acting projects tulad ng “Magpakailanman,” ang weekly drama anthology hosted by Mel Tiangco on GMA. Naging isa rin siya sa co-hosts ni Willie Revillame sa “Wowowin” kung saan siya nahasa sa hosting.

Napasama rin siya sa pelkulang “That One That Got Away” in 2018.Hindi rin ikinakaila ni Janelle na sa simula ay naging reluctant siya sa pagpapa-seksi . Pero kalaunan ay pumayag na rin siya provided maganda ang kuwento ng kanyang gagawin. And she’s glad that she gets to work with award-winning directors and co stars.

Ayon kay Janelle , busiest year niya ngayon dahil sa sunud-sunod na proyektong ipinagkatiwala sa kanya ng Viva tulad ng “Pusoy Dos,” “Putahe,” “Kinsenas Katapusan” at ang bagong sisimulan niyang proyekto, ang “Katawang Lupa” mula sa panulat at direksiyon ng premyadong writer-director na si Joey Javier Reyes, isang four-part series na mapapanood na ngayong September 25.

While she cherishes the experience working with other directors, hindiikinakaila ng dating beauty queen-turned actress na kakaiba umano ang nabuong working relationship nila ni Direk Joey na sobra umanong supportive sa kanya hanggang sa maging magkaibigan silang dalawa.

“He’s my mentor,” pag-amin pa ni Janelle. “And I’m glad sa kanyang tiwala at suporta”.

Kung merong Fil-Korean beauty sa bakuran ng Viva sa pamamagitan ni Angeli Khang, si Janelle naman ay isang Filipino-Chinese beauty.

Bukod sa mga director na nakatrabaho na ni Janelle, pinasasalamatan din niya si Boss Vic del Rosario sa magandang break na ibinigay sa kanya.

Given the chance, mas gusto ni Janelle na makilala siyang actress more than a sexy star.

“Wala namang problema sa akin na tawagin nila akong sexy star but my ultimate goal ay makilala ako someday bilang isang mahusay na actress,”aniya na hindi naman malayong mangyari batay na rin sa description sa kanya ng veteran award-winning writer and filmmaker na si Direk Joey Javier Reyes.

Michaela

Micaela hindi raw nainggit sa mga kapatid

SABAY-sabay mang lumagda ng kontrata sa bakuran ng Viva Artists Agency (VAA) ang magkakapatid na Angela Morena, Stephanie Raz at Micaela Raz, naunang nabigyan ng break sina Angela at Stephanie. Pero hindi umano siya nainggit sa kanyang dalawang nakatatandang kapatid at sa halip ay naging proud pa umano siya sa achievements ng dalawa.

Naniniwala rin si Micaela na may kani-kanyang tamang panahon ang lahat kaya she waited patiently hanggang dumating ang kanyang break.Kinu-consider ni Micaela na `lucky year’ ang 2022 dahil sa sunud-sunod na proyektong dumating sa kanya.

Kasama siya sa “Island of Desire” na dinirek ng isa pang premyadong director na si Joel Lamangan. She’s also in the movie “Virgin Forest” ng Cannes Film Festival Best Director na si Brillante Mendoza, “High on Sex” ni Direk GB Sampedro at ang “Ang Babaeng Nawawala sa Sarili” na dinirek ni Direk Roman Perez, Jr. at panlima niya this year ang “Katawang Lupa” ni Direk Joey Javier Reyes.

Micaela is looking forward sa isang proyekto na pagsasamahan nilang magkakapatid na sina Angela at Stephanie at kung saan din nila makakasama ang kanilang tiyahin at itinuturing na second mother na si Lara Morena.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE