Monsour

Monsour, isusulong ang advocacy para sa Frontliners at Athletes

March 28, 2022 Ian F. Fariñas 133 views

TULOY na tuloy ang laban ni Monsour del Rosario sa pagka-senador sa Mayo sa ilalim ng Partido Reporma kahit nagbitiw sa kanila si Senator Ping Lacson na ‘di niya kinondena.

Aniya, mabuting tao ang senador na kumakandidatong pangulo bilang independent ngayon at naniniwala siya na marami pa itong magagawang mabuti para sa bansa.

Hindi baguhan si Monsour sa pulitika.

From 2010 to 2016 ay naging councilor siya sa Makati at naging congressman naman from 2016 to 2019.

Nakapag-file siya ng mahigit 292 bills and resolutions, at siya rin ang author ng Telecommuting Act of 2018, na mas kilala sa Work From Home Law.

Unang nakilala si Monsour bilang taekwondo champion kung saan nakasama siya sa Philippine National Taekwondo Team in 1982 until 1989 kung saan siya naging team captain ng four years.

For his 2022 senatorial bid, ang advocacy ni Monsour ay ma-implement ang Healthcare Heroes Card for medical frontliners at pension for athletes, among others.

AUTHOR PROFILE