Daveara

Ara, tigil-trabaho para sa asawang kumakandidato

March 28, 2022 Jun Nardo 190 views

PINAIRAL ng komedyante at comedy writer na si Diego ng Bubble Gang ang kasabihang “the show must go on” upang maging host sa campaign rally ni Dave Almarinez, asawa ni Ara Mina, sa isang lugar sa San Pedro, Laguna.

Namatay ang kapatid ni Diego at nakaburol sa kanilang lugar sa Malibay, Pasay City habang nasa stage siya at nagpapatawa.

Bukod dito, pinahalagahan din ng komedyante ang friendship nila ni Ara na kaibigan niya noon pang Bubble Gang days ng aktres.

Sa totoo lang, grabe ang dami ng taong dumalo sa rally ni Dave. “Bebe” ang tawag niya sa lahat na siya ring tawag niya kay Ara.

Si Ara naman, nanggaling pa sa Ilocos sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at pagdating ay sumalang sa motorcade hanggang sa rally kahit na halos wala nang boses ma lumalabas dahil paos na, huh!

Deklara ni Ara sa lahat ng dumalo, “Ang laki-laki ng mundo, pero dito lang pala sa San Pedro ako makakakita ng Mr. Right ng buhay ko.”

Inaliw naman ng mga kaibigang performer ni Ara ang mga tao gaya nina Martin Nievera, Melissa Ricks, Bugoy Drilon at Rada.

Pahinga muna sa taping si Ara at susuportahan ang asawa hanggang sa election sa Mayo 9, kaarawan niya.

Sa dami ng tao nu’ng Linggo na gabi, mukhang runaway winner na si Dave bilang congressman ng San Pedro, Laguna, huh!

JANINE AT PAULO, AYAW PAKABOG SA JULVER

AYAW pakabog nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino kina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Kung sweet-sweet-an ang JulVer sa Limitless concert ng singer sa BGC, aba, hindi nagpatalbog sina Paulo at Janine na holding hands while singing naman ang eksena sa guesting nila sa concert ni Ogie Alcasid sa States.

Kung totoo ngang si Paulo na ang ipinalit ni Janine kay Rayver, aba, attracted yata si girl sa may anak nang guy sa katauhan ni Paulo, huh!

At least sina Rayver at Julie Anne, kapwa walang bitbit sa buhay.

AUTHOR PROFILE