Smith

Will Smith, nag-sorry

March 28, 2022 Ian F. Fariñas 185 views

MALAKING eksena naman ang ginawa ng sikat na Hollywood actor na si Will Smith nang umakyat siya sa stage at sampalin ang komedyanteng si Chris Rock na nagbiro tungkol sa misis niyang si Jada Pinkett Smith sa katatapos na Oscars sa Amerika.

Matapos ang intense na eksena na inakala ng marami na biro o staged at kung saan dalawang ulit niyang sinabihan si Rock ng, “Keep my wife’s name out of your f*cking mouth,” isa-isang nilapitan si Smith ng kapwa celebrities na sina Nicole Kidman, Samuel Jackson, atbp.

Mabilis namang humingi ng tawad si Smith sa Academy at kapwa best actor nominees nang tanghalin siyang best actor para sa pelikulang King Richard.

Anang maluha-luhang si Smith, “I want to apologize to the Academy. I want to apologize to all my fellow nominees. This is a beautiful moment and I’m not crying for winning an award. It’s not about winning an award for me. It’s about being able to shine a light on all of the people. Tim and Trevor and Zack and Saniyya and Demi and Aunjanue and the entire cast and crew of King Richard, Venus and Serena, the entire Williams family. Art imitates life. I look like the crazy father, just like they said about Richard Williams.”

Hindi niya binanggit sa apology si Rock.

Samantala, naglabas ng pahayag ang Academy sa Twitter at doon ay sinabing: “The Academy does not condone violence of any form.”

AUTHOR PROFILE