Crime Kinilala ni Police Maj.Rommel Purisima, hepe ng DSOU MPD, ang suspek,.matapos na maaresto ito. Kuha ni JONJON REYES

Miyembro ng drug, crime gang huli

October 16, 2022 Jonjon Reyes 713 views

ARESTADO ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Manila Police District ang miyembro umano ng ” Toto Drug Group” na ngayon ay kasalukuyang kaanib ng Ferrer Criminal Gang , sa isinagawang Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation sa Parola Compound Tondo, Manila.

Kinilala ni Police Maj.Rommel Purisima, hepe ng DSOU MPD, ang suspek na isang, binata, jobless nakatira sa Area A Gate 3 Parola Compound, Tondo.

Base sa ulat ni Police Major Purisima.pasado alas 11:00 ng gabi , nang matimbog ang kanilang subject sa Area – A Gate 3 sa Brgy.20- Zone 2 sa Parola Compound sakop ng Tondo.

Narekober sa suspek ang isang kalibre 38 baril na may dalawang bala. Nahaharap ang suspek sa sa kasong paglabag sa Republic Act 10591( illegal possesion of firearms and ammunition.

Pinuri at pinasalamatan si Purisima at ang mga tauhan nito ni MPD Director Police Brig.Gen. Andre P. Dizon dahil sa mabilis nilang aksyon laban sa masasamang elemento na gumagala sa mga lugar upang maghasik ng kaguluhan.

AUTHOR PROFILE