Default Thumbnail

Misis ng pulis live na nagpakamatay sa FB

February 11, 2023 Melnie Ragasa-limena 295 views

LIVE na ipinakita sa Facebook ang ginawang pagpapatiwakal ng misis ng pulis-Maynila, sa pamamagitan nang pagbarili sa sarili sa Quezon City, Sabado ng hapon.

Ang 38-anyos na biktima ay asawa umano ng isang pulis na nakatalaga sa Manila Police District (MPD).

Sa report ng Galas Police Station 11, ng Quezon City Police District (QCPD), sa pagitan ng 3:00 at 4:00 ng hapon (February 11), nag-FB live pa ang biktima sa kaniyang ginawang pagbaril sa sarili sa loob ng kaniyang tahanan sa nasabing lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Dhonnie B Peralta, tila nakainom ng alak ang biktima habang umiiyak na sinasabi ang kaniyang personal na problema sa post niya sa kaniyang FB account bago ang pagbaril sa sarili.

Makikita sa FB live ng biktima, na umiiyak ito at galit na galit habang kinukuha ang baril sa drawer saka ikinasa at binaril ang sarili.

Nang marinig naman ng mga kapitbahay ang putok ng baril at makitang duguang nakahandusay ang biktima ay agad itong isinugod sa United Doctors Medical Center pero binawian din ito ng buhay.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad sa nangyaring insidente.