Miles

Miles, nagtinda ng sitserya sa ‘EB’ studio

August 19, 2022 Jun Nardo 383 views

NAGTITINDA naman ng sitserya si Miles Ocampo kahapon sa entrance sa studio sa live edition ng Eat Bulaga. May isang babaing may edad ang nagbuking naman na isang audience na naniningil ng entrance si Miles, huh!

Mula nang matanggal si Miles bilang EB Dabarkads sa Bida The Next segment ng programa, nag-apply pa rin siya upang makabalik sa show.

Natanggap siya bilang jester at cameraman ng EB. Pero hindi siya pumasa dahil out of focus ang mga shot niya, huh!

The next day, sa Sugod Bahay naman pumunta si Miles upang samahan sina Jose at Wally.

Humawak siya ng lights para malaman kung puwede na siyang bumalik! Epic fail pa rin siya, huh!

Tindera naman ang naging papel ni Miles. Pero sa inaplayang work ni Miles, hindi pa rin nawawala ang Knock, Knock jokes niya gamit ang salitang Comeback.

In fairness, aliw naman si Miles kahit ex-Dabarkad muna siya hanggang hindi pumapasa kina Tito, Vic at Joey.

Ruru

RURU, NAIYAK SA SORPRESA NI BIANCA

GULAT na gulat si Ruru Madrid nang bisitahin siya ng GF na si Bianca Umali sa South Korea para sa taping ng Running Man PH.

Inilabas ang video ng pagkikita ng dalawa sa Balitanghali kahapon.

Napuwing ang rason ni Ruru kaya raw siya napaiyak, huh!

Halatang-halata ang pagkasabik nila sa isa’t isa nang mawalay sa loob ng ilang buwan.

AUTHOR PROFILE