Coco

Special ‘Probinsyano’ episode, hiling ni Sharon kay Coco

August 19, 2022 Vinia Vivar 391 views

Humihiling si Sharon Cuneta na magkaroon pa ng isang special episode ang FPJ’s Ang Probinsyano and in fact, sinabi na raw niya ito kay Coco Martin.

Ayon kay Shawie, marami raw nabitin sa loveteam nina Coco at Julia Montes sa ending ng FPJAP kaya may clamor din daw ang fans para sa special episode.

“Tinext ko ang anak kong boss namin na si @cocomartin_ph kahapon. Sabi ko gawa kami special episode kasi bitin loveteam nila ni Mara at pagkikita ng pamilya nila Oscar, Aurora at Mara!” sey ni Sharon sa kanyang IG post.

“Natawa lang anak ko at miss na raw nila ako. Eh, kasi sabi ko dami nabitin lalo na ako!” patuloy ni Megastar.

Bilang pahabol ay sinabihan niya si Coco na basahin ang mga comment to find out na marami nga ang nabitin sa ending.

“Coco anak, basahin mo comments sabi sayo bitin sila eh,” sey ni Shawie.

Makikita naman talaga sa comment section na ang daming um-agree kay Sharon at super request sila na gawan pa ng isang season or kahit isang episode pa ang FPJAP.

“Book na yarnnn, pag natapos na po ang Darna, kasi tama po kayo @loving.mega.ph sobrang nakakabitin po. Dapat nagkita po kayong mag pamilya, tapos kinwento po ni Mara kung paano xia nakaligtas, at saka dapat kinasal sila ni Cardo tapos nagka apo kayo ng kambal.. Lalaki at babae po, d ba ang saya lng.. Wish lng po namin @official_coco_martin,” sey ng isang netizen.

NETIZENS, KINILIG SA KIMXI

Ang cute ng video na ipinost ni Kim Chiu sa kanyang Instagram kung saan ay nagyakap sila nang mahigpit ng boyfriend na si Xian Lim nang dumating siya sa Pilipinas.

Halos isang buwan din kasi si Kim sa US para sa concert tour nila ng Star Magic talents kaya naman sobrang na-miss niya ang boyfriend.

Nag-post si Kim ng collection of clips kung saan ay niyayakap niya ang sarili habang nasa iba’t ibang lugar sa US dahil nga wala si Xian.

Sa dulo ng video ay makikitang nasa Pilipinas na siya at mahigpit na silang magkayakap ni Xian.

“Finally!!! complete again after almost a month! huggsss!!!!” caption ni Kim.

Dahil dito ay nag-trending sina Kim at Xian sa Twitter. Masaya rin ang KimXi fans na magkasama na ulit sila at hindi na LDR (long distance relationship).

AUTHOR PROFILE