Default Thumbnail

Mga suspek sa patayan sa Tondo, nakalawit ng MPD

April 12, 2023 Jonjon Reyes 522 views

NAARESTO ng Manila Police District (MPD) Raxabago Police Station (PS) 1 ang pitong katao na umano’y sangkot sa sunod-sunod na patayan sa Tondo, Maynila Miyerules ng hapon sa Barangay 28, Lungsod ng Caloocan.

Ayon kay “The Game Changer General” MPD Director P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon, ang dalawa sa pitong suspek na may alyas na “Jay” at alyas “Blandy,” ng Balut, Tondo ay nadakip ng mga awtoridad dakong 11:30 ng umaga sa nasabing lugar.

Ayon kay P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., commander ng MPD Raxabago PS-1, si alyas “Blandy” ay hinihinalang “serial killer” diumano sa Tondo.

Matagumpay na naaresto ang nasabing suspek sa pakikipag-unayan ng Raxabago PS-1 sa Navotas City Police Station.

Naiulat na kintatakutan diumano si “Blandy” sa Balut, Tondo at itinuturong salarin sa pagbaril at pagpatay sa isang lalaki sa naturang lugar bandang 12:30 ng madaling araw nitong nakaraang Abril 9.

Sunod umanong binaril ng suspek ang isa pang lalaki, sa nasabing lugar, 2:45 ng madaling araw ng Lunes, Abril 10.

Kumalat pa sa social media na may “serial killer” na gumagala umano sa Balut sa Tondo na ikinabahala ng mga residente.

Agad naman nagpaabot ng pasasalamat at papuri si Dizon sa kanyang mga kapulisan matapos mabingwit ang suspek sa pamamaril sa Tondo.

AUTHOR PROFILE