Sunog Inaapula ng mga kagawad ng MDRRMC ng Lungsod ng Maynila ang nasusunog na parte ng Metropolitan Theater sa Arroceros, Ermita, Maynila.

Metropolitan Theater nasunog

June 17, 2022 Jonjon Reyes 415 views

ISANG sunog ang naganap sa bahagi ng gusali ng bagong renovated na Metropolitan Theater sa Arroceros, Ermita, Lungsod ng Maynila.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Manila, nagsimula ang sunog pasado alas-8:55 ng umaga nitong Biyernes na agad na umakyat sa ikalawang alarma, dahil sa kapal ng usok na lumalabas mula sa loob ng gusali.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang mga pamatay sunog kung saan nagmula at ano ang pinagmulan ng apoy na nagdulot ng makapal na usok mula sa loob ng Metropolitan Theater.

Kamakailan ay sinimulan itong pagandahin at dumaan sa rehabilitasyon noong Disyembre 2021, upang mapreserba ang gusali.

AUTHOR PROFILE