ashmatt

Matteo, atat nang magka-baby kay Sarah

July 8, 2021 Vinia Vivar 501 views

Inamin ni Matteo Guidicelli na gustung-gusto na niyang magkaanak sila ng misis na si Sarah Geronimo. Kung pwede nga lang daw ay bukas na.

“Sana bukas,” natatawang sey niya sa podcast niya na MattRuns.

“Seriously, dude, I’d love to be a Papa already, man! But you know, in God’s time, I guess,” patuloy niya.

Of course, kailangan din daw niyang i-consider ang kanyang misis.

“I’ve got to respect my wife’s timing also, and I think, everything has a time. We just got married. It’s the first time Sarah and I live together, spending time together. I think we should appreciate that and mold that moment together, and mature that moment, alam mo ‘yun?” sey pa ni Matteo.

Sa nasabing podcast ay guests niya sina Liza Soberano, Enrique Gil and common friend nilang businessman na si Ranvel Rufino.

Nakakatuwa ang kanilang tsikahan bilang close rin siya sa LizQuen dahil nakasama niya ito sa dalawang teleserye, ang Dolce Amore at Bagani.

Sey nga ni Liza, that time ay wala pang asawa si Matteo. Kaya naman natanong ng aktor ang LizQuen kung kailan naman sila pakakasal.

Tawa lang nang tawa si Quen at walang maisagot. Hirit ni Matteo ay napakasarap daw ng buhay may-asawa na tila kinukumbinsi ang dalawa na magpakasal na rin.

“Being married, bro, I’m telling you, right now, it’s beautiful, boyfriend and girlfriend, but being married is like a different level of happiness, different level of comfort,” ani Matteo.

Pero mukhang malayo pa naman sa isip ng LizQuen ang pag-aasawa dahil sa ngayon ay marami pa silang gustong gawin para na rin sa kanilang future.

MALAKING TANONG NA NASAGOT

Nabigyan na ng sagot ang isa sa pinakamalalaking tanong sa buhay nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) pagkatapos nilang madiskubre ang katotohanang magkapatid sila sa ABS-CBN teleseryeng Huwag Kang Mangamba, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Natuklasan na sa wakas ni Joy na kapatid niya si Mira pagkatapos niyang malaman na nagmamay-ari din siya ng isang krus na kapareho ng kay Mira.

Ayon sa lola nila, mismong ang nanay nila ang gumawa ng mga ito para sa kanilang dalawa.

Ngayong alam na nila ang tunay nilang relasyon, iigting ang paghahanap nila sa kanilang ina, lalo na’t nalaman nilang pumunta ito sa Hermoso noon para hanapin ang tatay ni Joy na si Samuel (Diether Ocampo).

Ngunit sa kabila nito, wala pa ring kamalay-malay sina Mira at Joy na matagal nang pinatay nina Agatha at Deborah (Mercedes Cabral) ang kanilang ina at hanggang ngayon ay naghahanap sila ng paraan upang paghiwalayin ang dalawang dalaga.

NALALAPIT NA SALPUKAN

Inaabangan na ang salpukan ng mahuhusay na mga aktres na sina Alice Dixson, Bianca Umali at Andrea Torres sa upcoming GMA primetime series na Legal Wives.

Iikot ang kuwento ng serye sa Mranaw na si Ismael (Dennis Trillo) at sa tatlong babaeng pakakasalan niya nang dahil sa magkakaibang dahilan.

Challenging daw para kay Andrea ang karakter niyang si Diane, ang nag-iisang Kristiyano sa tatlong asawa, “I think ang pinaka-challenge is to find that balance kasi there are so many layers to her character, napakadami niyang pagdadaanan dito.”

Bagong perspektibo naman daw ang naibigay ng serye kay Bianca, na gaganap bilang pinakabatang asawang si Farrah, “Ngayon nandito ako at nakikita ko lahat, sa totoo lang sobrang daming matututunan pati about life eh — ‘yung perspective sa buhay, kung paano mo titingnan ‘yung mga sitwasyon.”

Samantala, magandang paraan naman para kay Alice ang kanilang programa upang higit na mas makilala ng viewers ang kultura ng mga Muslim, “They’re actually very loving, God-fearing people. They have the same goals and desires in their lives. They have strong family bonds.”

AUTHOR PROFILE