aljurkylie

Aljur, gagawin ang lahat para sa pamilya

July 8, 2021 Ian F. Fariñas 874 views

binoeHINDI man tuwirang sinagot ni Aljur Abrenica ang pasabog ng biyenan niyang si Robin Padilla na hiwalay na sila ni Kylie Padilla dahil sa third party, sinabi naman ng aktor sa virtual mediacon kahapon para sa latest movie niyang Nerisa na gaya ng female lead character sa Vivamax release, handa siyang gawin o ibigay ang lahat para sa pamilya at mga mahal sa buhay.

“Yes naman, oo. Sa abot ng makakaya ko, gagawin ko, kasi ikaw ang gagawa ng sarili mong reyalidad, eh,” mariing sagot ni Aljur sa generic na katanungan.

Nagulantang nga ang showbiz sa pag-amin ni Robin sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz na hiwalay na si Aljur at ang anak niyang si Kylie.

Third party ang ibinigay na dahilan ng dating action star although wala naman siyang pinangalanan.

Si Kylie umano ang nakipaghiwalay dahil hindi niya kaya ang diumano’y pambababae ni Aljur.

Pinayuhan daw ni Robin ang anak, dahil sa paniwala niya, “hindi na uso mga martir ngayon. Tanggapin natin, wala na tayo du’n. ‘Yun ang unang-unang sinabi ko kay Kylie nu’ng nag-usap kami.

‘Lalaki iyang asawa mo. Pasalamat ka nga, alam mong lalaki.’ Eh, wala, hindi raw niya kaya,” kaya hindi na siya nakialam pa.

Isa lang daw ang siniguro ni Robin kay Kylie at ito ay kung agrabyado ba siya o sinaktan ba siya nang pisikal ng asawa.

Hindi raw ang sagot ni Kylie.

Ang ayaw lang daw mangyari ni Robin ay ang magparinigan ang mag-asawa sa social media. Para na rin sa kabutihan ng dalawa nilang anak.

“Minessage ko lang siya (Aljur). Sabi ko, ‘Isa lang ang gusto ko. Tumigil kayo sa social media. Nakakahiya ‘yan. Wala akong ano diyan. Problema niyo ‘yan. Isipin niyo mga anak niyo.

“Sa akin, ang dalawang mag-asawa na hindi na nagkasundo, hindi kayo dapat maghiwalay na magkaaway. Bakit? Nagmahalan naman kayo. Nasarapan naman kayo pareho. Anong dahilan? Dahil nagtaksil ’yung isa? Tao ka, mangyayari at mangyayari ‘yan,” dagdag katwiran pa ni Robin.

Umaasa raw siya na maaayos pa rin nina Kylie at Aljur ang problema dahil naniniwala siya na mahal pa ng mga ito ang isa’t isa.

Nauna rito, sa isang interview ay inamin ni Aljur na may pinagdaraanan nga sila ni Kylie ngayon.

Sa nasabing virtual mediacon naman para sa Nerisa, walang personal questions na naibato sa miyembro ng cast.

Kaya kinumusta na lang ng press si Aljur tungkol sa naging experience niya sa kauna-unahang pelikula sa loob ng limang taon at kauna-unahang proyekto niya sa Viva.

Aniya, na-in love siya sa karakter niyang si Obet, ang asawa ng lead character na si Cindy Miranda (Nerisa).

Ito na raw ang pinaka-daring niyang pagganap dahil base sa istorya, very passionate ang pagmamahalan nilang mag-asawa, napaka-sensual at ipapakita kung
hanggang saan ang kayang gawin ng isang lalaki para maging kanya lang ang babaing minamahal.

Puring-puri naman ni Aljur si Cindy bilang leading lady.

Bilang baguhan lamang ito sa pag-arte mula sa unang movie niyang Adan kasama si Ren Escaño, talagang inalalayan daw ni Aljur si Cindy, lalo na pagdating sa mga love scene.

“Pinakamahirap ’yung love scenes. Talagang I made sure na she’s safe. Nakita ko, alam kong naaano siya, she’s doing her best para magawa ’yung eksena.

Sa lalaki, okay lang, sa babae, mararamdaman mo ’yung ano, pigil. But what’s good about it is nagawa namin ’yung eksena sa gusto naming kalabasan.

“She’s professional sa trabaho. Ang medyo na-challenge ako, to make her feel na she’s safe. Maganda naman lumabas, kung napanood n’yo ’yung trailer. Hindi n’yo makikita ’yung inhibitions, very passionate ang pagmamahalan namin sa eksena,” patuloy na kwento ni Aljur na aminadong na-miss ang paggawa ng pelikula dahil puro tv series ang pinagkaabalahan niya the past few years.

Anyway, nasa cast din ng Nerisa sina Elizabeth Oropesa, Bembol Roco, Sheree Bautista, AJ Raval at Sean de Guzman.

Mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo at panulat ng batikang si Ricky Lee, ang Nerisa ay magkakaroon ng global premiere sa July 30 sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax.

AUTHOR PROFILE