Default Thumbnail

Mason patay sa live wire sa QC

March 9, 2022 Melnie Ragasa-limena 388 views

PATAY ang 26-anyos na mason matapos mahawakan ang live wire sa ginagawang parking building sa Quezon City, nitong Martes ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si Jimbo Gabatin Alcasaren, 26, may asawa, mason ng PARAVISIBLE BUILDERS INC at residente ng Block 31, Lot 23 Ilang-ilang St., Pichayan Kanan, Brgy. Pasong Putik, Novaliches, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 2:00 ng hapon (March 8), nang maganap ang insidente sa ginagawang parking building ng Trees Residences na matatagpuan sa Quirino Highway, Barangay Pasong Putik Proper, Novaliches, QC.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Nido Gevero Jr., ng CIDU, nilalagare ni Alcasaren kasama ang co-worker na si Leomil Trinidad ang mga sobrang bakal sa isang bahagi ng parking building nang mapahawak ang biktima ang extension wire.

Agad na nangisay ang biktima kaya humingi ng saklolo ang kaniyang kasama sa construction’s safety officer na si Julius Rodriguez na mabilis namang inalis sa pagkakasaksak ang extension wire sa electric outlet.

Isinugod ang biktima sa Commonwealth Hospital and Medical Center pero binawian din ito ng buhay, ayon kay Dr. Juaregui Angeles.