Marlon

Masaganang Ani

April 15, 2024 Marlon Purification 69 views

IPINAHAYAG ni Senate Committee on Agriculture and Food chairperson Senador Cynthia A. Villar na mababawasan ang pangangailangan ng bansa na mag-import ng agricultural products kung masagana ang ani.

Ayon sa senador, dahil sa mayroong mga ganitong produkto, agarang makapagbibigay ng “ready market” sa mga magsasaka.

Sa kanyang pananalita sa Philippine Food and Beverage Expo 2024, tinukoy ni Villar na maaari ring makipagkumpetensiya ang mga magsasaka sa global market via exports.

Dagdag pa ng senador na magkakaroon ng maraming trabaho sa kanayunan kapag masagana ang ani sa agrikultura

Aniya, isusulong nito ang rural development na malaking tulong sa paglago ng ekonomiya.

“If there is assurance of income in agriculture, the young people will go back to agriculture and many OFWs will be encouraged to go home and be with their families because they can earn here,” sabi pa ni Villar na isang OFW advocate.

Sinabi rin nito na kapag available sa mababang presyo ang local products gaya ng gulay, prutas, livestock, poultry at dairy, may suplay para sa kanilang pagkain at inumin ang mga restaurant, merkado, supermarket, manufacturers, importers at consumers.

“That is food security,” dagdag ng senador, na ang food expo ngayo’y nasa ika16th taon.

Inorganisa at pinangunahan ang event sa World Trade Center sa Pasay City ng Philippine Food Processors and Exporters Organization (PHILFOODEX) nangungunang food industry association.

Lumahok dito ang mahigit 300 local growers at entrepreneurs sa Food and Beverage industry na nagpakita sa traders, buyers at consumer ng kanilang mga ng mga natatanging produkto.

Ang Expo ay ginanap mula April 12-14.