Yandong

Marian, inuulan ng grasya sa pandemya

October 15, 2021 Ian F. Fariñas 239 views

MARAMI ang bilib sa kasipagan ng Kapuso primetime queen na si Marian Rivera na halos wala nang pahinga sa kaliwa’t kanang proyekto ngayong pandemya.

Ito’y bukod pa sa pagiging homemaker para sa mister na si Dingdong Dantes at mga anak nilang sina Zia at Sixto at may-ari ng Flora Vida by Marian, na balitang magkakaroon ng bagong line na may kinalaman sa fashion.

Anyway, inuulan nga ng grasya si Yan sa sobrang kasipagan. Ang balita namin ay dalawang linggo na siyang walang pahinga sa halos araw-araw na pagsu-shoot ng iba’t ibang endorsements.

Maliban dito, regular din siyang nagte-taping ng Tadhana para sa Kapuso network na idinidirek ni Dingdong mismo.

Abangers na rin ang fans sa napabalitang muli nilang pagsasama ni Dong sa GMA na maaaring mangyari anytime soon.

AUTHOR PROFILE