Alden

Alden, balak bumalik sa pag-aaral

October 15, 2021 People's Tonight 254 views

ALWAYS have a good heart. Isa ’yan sa mga payo ni Alden Richards sa mga baguhan na gustong sumikat at tumagal sa showbiz.

Muling nag-renew ng kontrata sa GMA si Alden.

Hindi niya makalimutan ang sugal at tiwala na ibinigay sa kanya ng network upang magtagal sa kanila.

“Siyempre, you have to be patient, hard work at pagbutihin ang trabaho mo. Huwag magmadali dahil darating din ang oras mo,” sey ni Alden.

Plano rin ng Asia’s Multimedia Star na bumalik sa pag-aaral. Nagbabasa-basa na siya ng subjects tungkol sa ekonomiya ng bansa.

“Gusto kong tapusin ang pag-aaral ko para naman sa father ko. Pinagbigyan ko ang nanay ko nang tuparin ko ang dream niyang pumasok sa showbiz. Basta ginagawa mo ang lahat para sa pamilya at mahal sa buhay, eh, may sukli lahat ng paghihirap na ginagawa mo,” saad pa niya.

Dahil nga magbabalik na ang series niyang The World Between Us, ipinagmalaki ni Alden na Alden 2.0 ang makikita sa kanya.

YASMIEN, BALIK-‘MPK’

MAPAPANOOD ngayong gabi, Sabado, ang part 2 ng Magpakailanman episode ni Yasmien Kurdi na Rebeldeng Anak, Ulirang Ina: The Elaine Carriedo-Lozano Story.

Mas mabibigat ang eksenang ipamamalas ni Yasmien kasama ang iba pang characters.

Of course, mas mahaba-habang exposure ni Yasmien ang inyong mapapanood sa pagsisimula ng Kapuso series niyang Las Hermanas kung saan kasama niya sina Thea Tolentino at Faith da Silva. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE