Darryl

‘Sarap mong Patayin,’ pinakamatapang na pelikula ni Direk Darryl

October 15, 2021 Ian F. Fariñas 288 views

KUNG ang controversial director na si Darryl Yap ang tatanungin, pinakamatapang na pelikula na niya ang psychomedy na Sarap Mong Patayin na streaming na sa Vivamax.

Sa Facebook post ni Direk Darryl, sinabi niya na, “Hindi dahil napakaraming mura (kasi halos walang lines ang pelikulang ito). hindi rin dahil maraming sex scenes — kasi may kasamang torture ito.

“Matapang ako kasi hindi ito ang nakasanayang pormula na inaabangan ng tao sa akin. pero inilaban ko. dahil hindi ba’t nasa gulat at di inaasahan ang tunay na aliw at karanasan?

“Walang Normal sa pelikulang ito. ni hindi nyo mamamalayan kung ano ang matino at sabog, ang tunay at imahinasyon.

“Surreal? maaari. totoo? siguro. para sa mga ADIK — sa sex, drugs at internet — para sa inyo ang pelikulang ito!

“Opo, may magpapakita na, kung ano ang nakikita natin.”

Ang Sarap Mong Patayin ay tinatampukan nina Kit Thompson, Lassy Marquez ng Beks Batallion at dating beauty queen na si Ariella Arida.

Tungkol ito sa napapanahong tema ng “catfishing” na nagaganap sa iba’t ibang online dating apps.

Para sa komedyanteng si Lassy, isa ito sa pinaka-challenging projects niya dahil talagang kakaiba ang papel na ginampanan niya sa movie.

“Pressured talaga ako kaya nagpapasalamat ako sa gumabay sa akin, ang napakahusay na si Direk Darryl, na hindi kami pinapabayaan sa bawat gagawin namin, at sa mga kasama ko — sina Kit, Ariella, Bob Jbeili, Tart Carlos at Marion Aunor,” aniya.

AUTHOR PROFILE