Dingdong

Marian at Dingdong, rumampa sa Holy Land

December 17, 2021 People's Tonight 266 views

BLESSED na blessed talaga si Marian Rivera!

Imagine, nakilala na si Yan sa buong mundo dahil sa pagiging member niya ng Selection Committee ng katatapos na 2021 Miss Universe na ginawa sa Eilat, Israel nakapasyal pa sila ng asawa niyang si Dingdong Dantes sa Holy Land, huh!

Naging extra special para sa GMA Primetine Queen ang experience kaya naman ipinasilip niya sa kanyang Instagran ang ilang pictures nila sa lugar na binisita sa Holy Land.

“Holy Land. Another place I’ve been wanting to go and being with Mi Amor made it even extra special! #SalamatAma #MarianXMissU.

Samantala, sa virtual fan meet ng tatlong Thai actors na sina Mario Maurer, Gulf Kanawan at Nonkul Channon, nagpahayag ang huli na gusto niyang makatrabaho si Marian, huh!

Sinabi ni Nonkul na papapanod niya ang mag show ni Marian sa interview sa 24 Oras.

Si Nonkul ang bida sa Thai movie na Bad Genius.

Kasama ni Nonkul sa fan meet ang co-Thai actors na sina Mario Maurer at Gulf Kanawan.

Nakagawa na rito ng movie ni Mario at kasalukuyang napapanood sa Thai Lakorn sa GMA na Love Beyond Time.

Si Gul naman ay nakilala sa Tharn Type: The Series.

Naku, mabubuksan na yata ang international doors kay Marian dahil sa Miss Universe, huh!

MISS WORLD CORONATION NIGHT, PINESTE NG COVID-19!

PINESTE ng Covid-19 ang Miss World coronation night.

Ayon sa Miss World organization statement sa Facebook page nito, within the next 30 days ang bagong schedule nito.

Kaloka ang dahilan – 17 kandidata at staff ang nag-positive sa virus test!

Una itong na-postpone last 2021 nang pumutok ang pandemic dahil sa COVID-19.

Si Tracy Maureen Perez ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss World na ang balita ay sa Puerto Rico gagawin. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE