Xian

Kim at David, suportado ang Glaiza-Xian team-up

December 17, 2021 Vinia Vivar 268 views

Suportado naman daw ng mga real-life partner nina Xian Lim at Glaiza de Castro ang team-up nila sa upcoming GMA-7 drama series na False Positive.

Although hindi sanay sa showbiz ang Irish fiancé ni Glaiza na si David Rainey, ayon sa aktres ay naiintindihan naman nito ang kanyang trabaho.

“I make it a point din naman talaga to talk to him and slowly introduce rin ‘yung mga co-actors ko like si Xian nun’g time na nag-video call kami, in-introduce ko siya. Sabi ko sa kanya, ‘this is Xian, my loveteam.’ So mga ganu’n,” kwento ni Glaiza sa virtual mediacon ng False Positive.

“Never siyang nag-question at tinatanong pa nga niya, ‘o, kumusta naman sa set?’ ganyan. And ayun, parang masaya na ako du’n sa part na ‘yun,” dagdag pa ng aktres.

Ayon naman kay Xian, natutuwa nga raw siya sa pagka-solid ng relasyon nina Glaiza and David na lagi raw magkausap ang mga ito.

At siyempre, sobrang suportado rin daw naman ng girlfriend niyang si Kim Chiu ang pakikipagpareha niya kay Glaiza since pare-pareho nga silang nasa industriya.

“Parang no explanations needed. Parang we already understand ‘yung mga requirement ng work namin. So, when it comes to me and Kim, we’re very supportive sa individual projects namin. No doubt about that,” ani Xi.

Sa mediacon ay kitang-kita nga ang rapport nina Xian at Glaiza at panay ang kulitan at tawanan nila.

Malapit nang mapanood sa GMA Telebabad ang False Positive mula sa direksyon ni Irene Villamor.

AUTHOR PROFILE