Marco

Marco, perfect boyfriend — Cristine

June 25, 2023 Ian F. Fariñas 305 views

KILIG na kilig si Bea Alonzo sa magdyowang Cristine Reyes at Marco Gumabao lalo na nang aminin ni Cristine na “perfect boyfriend” si Marco sa bagong lie detector episode ng YouTube vlog ni Bea.

Ikinuwento rin ng tatlo na nag-double date sila minsan kasama ang boyfriend ni Bea na si Dominic Roque at doon ay mas maraming nalaman si Bea tungkol sa Cristine-Marco relationship.

Ayon sa dalawang bida ng upcoming Studio Viva offering na Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan series sa TV5, matagal na silang magkakilala, way back 2015 pa pero naging close sila nu’ng 2018.

Ever since, sey ni Marco, very vocal siya sa pagsasabing isa si Cristine sa showbiz crushes niya.

Pero ilang beses mang nagkasama sa mga proyekto gaya ng seryeng Tubig at Langis sa Kapamilya network, pag-amin ni Cristine, hindi tumatak si Marco sa kanya hanggang nag-lock-in shooting sila sa Ilocos para sa Viva blockbuster film na Maid in Malacañang.

Doon daw siya nagkaroon ng interest sa aktor.

Aminado si Cristine na type niya ang tipo ni Marco na mestiso, guwapo, buffed at mapagbiro.

Sa totoo lang, first time raw niyang magka-boyfriend ng mas bata sa kanya at luckily, ani Cristine, “parang perfect boyfriend ‘to, eh!”

Unti-unti rin siyang nagiging close sa pamilya nito at nakaka-bonding pa ang kapatid ni Marco na si Michelle.

Pagdating naman sa unica hija ni Cristine na si Amarah, anak niya sa dating mister na si Ali Khatibi, noon pa man daw ay may soft spot na ito kay Marco.

Super close raw sina Amarah at Marco at katunayan, tuwang-tuwa ito tuwing surpresang dadalaw ang aktor sa bahay nina Cristine.

Anyway, labas na ang teaser ng Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan na adaptation ng classic movie nina Vilma Santos, Christopher de Leon at Eddie Garcia base sa orihinal na istoryang isinulat ni Carlo J. Caparas.

Kasama nina Cristine at Marco sa serye si Cesar Montano sa ilalim ng direksyon nina Jerome Pobocan at Claudio “Tots” Sanchez-Mariscal. Malapit na itong mapanood ito sa TV5.

AUTHOR PROFILE