Joross

Joross, ipinagtanggol si Paolo sa bashers

June 25, 2023 Vinia Vivar 226 views

Ipinagtanggol ni Joross Gamboa si Paolo Contis sa katakut-takot na pangba-bash na nararanasan ngayon ng Kapuso actor mula sa mga netizen.

“Matino itong si Pao,” paglalarawan ni Joross kay Paolo sa mediacon and premiere night ng pelikula nilang Ang Pangarap Kong Oskars nitong Friday.

“Kumbaga, palabiro lang siya and kumbaga, dahil nga, ‘yung mga ano, issues-issues, mga ano. It doesn’t mean na…

“Hindi siya masamang tao. Kaya ‘wag namang ano. ‘Yung mga nangba-bash or ano. Ang hirap magsalita, eh. Pero bilang kaibigan, ako, kilala ko si Pao personally.

“Kumbaga, we’re just human, we make mistakes. Pero ‘wag naman natin siyang i-judge through his mistakes. Kasi lahat naman tayo may karapatan tayo ng second chance or third chance pa nga,” dagdag pa ni Joross.

Bagama’t bago pa lang magkakilala sina Paolo at Joross at first time nilang nagkatrabaho sa isang pelikula ay madali raw silang nagkasundo’t naging magkaibigan.

Very thankful din si Joross sa kanyang co-actor dahil ito ang dahilan kung bakit siya napasama sa Ang Pangarap Kong Oskars.

Ayon naman kay Paolo, noon pa niya gustong makatrabaho si Joross at napanood niya raw ang ibang pelikula nito.

“Talagang isa sa mga pangarap ko na makasama si Joross. Nu’ng nabasa namin ang script, sabi ko, bagay talaga kay Joross,” sey ni Pao.

Papuri niya kay Joross, “Masarap ka-work, sobrang collaborative, ang daming suggetions bordering to pakikialam (sabay-tawa) pero okay lahat.”

Magkaibigan ang role nina Joross and Paolo sa Ang Pangarap Kong Oskars na kwento ng dalawang filmmakers na nangangarap makagawa ng isang pelikulang maaaring makapaglagay sa Pilipinas sa international movie stage.

Ayon sa dalawang aktor, pareho silang nag-enjoy doing the film na kinunan pa sa Catanduanes.

Showing na sa mga sinehan sa June 28 ang Ang Pangarap kong Oskars mula sa diresksyon ni Jules Katanyag under MAVX Productions.

Kasama rin dito sina Long Mejia, Kate Alejandrino, Faye Lorenzo, Jon Santos at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE