Duterte SI Manila Rep. Manny Lopez (kanan) habang kausap ang Pangulong Rodrigo Duterte na personal na nagpasumpa sa mambabatas kamakailan bilang miyembro ng PDP Laban Party. Kinilala ng Presidente ang kadakilaan ni Lopez na hindi nagdamot sa pamamahagi ng tulong ngayong pandemya kaya bilang ganti ay personal itong nangako na bubuhos pang lalo ang suporta ng Palasyo para sa buong lungsod

Manny, umarangkada vs Honey!

September 5, 2021 Marlon Purification 1297 views

Duterte

All out support, ibinigay ni Duterte kay Lopez

TULOY ang pag-arangkada sa survey ni Manila Rep. Manny Lopez (1st District) kung saan ay dikit ang ratings nito kay Vice-Mayor Honey Lacuna na sinasabing kapwa tatakbo sa pagkaalkde sa lungsod sa inaabangang Halalan 2022.

Sa survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundations Inc. nitong nagdaang August 1-10, si Lacuna ay nakakuha ng 40 percent approval ratings, samantalang sobrang lapit naman ang 38 percent ratings na natamo ni Lopez.

Kung pagbabatayan ang margin of error na negative three at positive three, tabla ang puntos ng dalawang public officials.

Ilang political observers ang nagsabi na sa numerong nakuha ni Lopez, hamak na mas impressive ito dahil ang distritong pinanggalingan ng kongresista ay mula lamang sa Tondo, samantalang si Lacuna, bilang bise-alkalde, ay buong Maynila na ang sakop nito.

Pabor na sana para kay Lacuna na makopo ang popularidad sa buong lungsod, ngunit hindi ito makausad dahil nakukulangan ang mga Manilenyo sa umano’y hilaw na serbisyo nito publiko.

“Ibig sabihin, kahit sa 3rd, 4th, 5th at 6th District, nararamdaman ng taga-Maynila ang serbisyo at performance ni Lopez na taga-1st District at katabing District 2. Nangangahulugan na ampaw at marami pang taga-Maynila ang hindi kumporme sa performance ni Lacuna,” sabi ng isang analyst.

“Sakay lang kasi ng sakay sa popularity ni Mayor Isko, pero iyong tunay na serbisyo para sa Manilenyo ay walang maramdaman kay Honey. Samantalang si Manny na isang Batang Tondo ay ramdam ang tulong at pagmamahal nito sa buong Maynila. Wala itong pinipiling tutulungan kahit na sila ay taga-Pandacan, Bacood, Sta. Mesa, Sampaloc, San Miguel, Singalong, Sta. Ana, Sta. Cruz, Quiapo, Tayuman, Bustillos, Dapitan at kung saan-saan pa,” dagdag pa nito.

Sa kabilang dako, asahan ang pagsiriit paitaas lalo ng performance ni Lopez dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagdeklara na bubuhos ang tulong para sa buong Maynila.

Ipinangako ng Presidente ang iba’t ibang suporta nito sa lungsod nang magtungo si Cong. Manny sa Davao City kamakailan, kasama ang kapatid at chief of staff na si Mike Lopez.

Si Pangulong Rodrigo Duterte rin ang personal na nagpasumpa kay Lopez bilang miyembro ng PDP Laban Party.

Sinabi ni Duterte na may personal na simpatya at pagmamahal siya sa magkapatid na Lopez dahil ang tatay nilang si dating Manila Mayor Mel Lopez ay katulad din ng Pangulo na dating alkalde naman sa Davao City.

“Basta sa Maynila, mga Lopez ang ‘da best,” sabi pa ng Pangulo.

Personal ding pinasalamatan ni Duterte si Lopez dahil ngayong pandemya ay aktibo ito sa pamamahagi ng sinserong tulong sa mga Manileno sa kabila ng limitadong pondo.

Dahil dito, asahan ang todo-suporta ng Palasyo para sa lahat ng programa ni Lopez sa lungsod.

Ilan sa inaasahang tulong at serbisyo na daragsa na ipinangako ng Executive Department ay ang mga ayuda sa DSWD, ang TUPAD project ng DOLE, karagdagang tulong para sa medical bills at gamot; gayundin ang tuluy-tuloy na livelihood program.