Default Thumbnail

Manila DPS: Magkaisa sa pagse-seregate ng basura

May 11, 2023 Edd Reyes 167 views

HINIKAYAT ni Manila Department of Public Service (DPS) Officer-in-Charge Kyle Nicole Amurao ang publiko na paghiwa-hiwalayin ang kanilang mga basura bago ito ilabas ng kanilang tirahan.

Isinapubliko ni Amurao ang paghimok sa mamamayan ng Maynila sa opisyal na Facebook page ng Manila Public

Information Office (MPIO) upang ipabatid ang umiiral na City Ordinance No. 8371 na tumutukoy sa pagkakaloob ng environmental code sa Lungsod ng Maynila.

“Garbage not segregated in placing approved container by the the local government shall not be collected and shall be considered a violation of the provision of this ordinance and violators shall be penalized accordingly,” pahayag pa ni Amurao.

Sa ilalim ng ordinansa, papatawan ng pagbabayad ng multang P600 ang sinumang mahuhuling lalabag sa unang  pagkakataon, P1,500 sa ikalawang pagkakataon, at P2,000 sa ikatlong pagkakataon o pagkakakulong ng mula isa hanggang 15-araw o parehong kaparusahan, batay sa magiging kautusan ng korte.

Isinapubliko rin ni Amurao ang schedule ng koleksiyon kung saan kokolektahin ang mga nabubulok na basura tuwing  Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Linggo habang ang mga basurang hindi nabubulok ay kokolektahin sa araw ng Martes, Huwebes, at Sabado.

“Tayo po ay may iba’t-ibang klase ng basura. Mayroon po tayong mga basura na maaari pa nating mapakinabangang muli.

Ito po ay tulad ng mga papel, plastic, metal, at glass. Itong mga basurang ito ay maaari po dalhin sa inyong pinakamalapit na junk shop upang ipagbili o sa inyong City o Barangay Materias Recovery Facility samantalang ang mga basurang nabubulok kagaya ng mga pagkain at mga tuyong dahoon ay maaaring i-compose upang maging pataba sa lupa,” paalala ni Amurao.

“Kaya po, sa pangunguna ng ating butihing Mayor, Mayor Honey Lacuna-Pangan, kami po ay humihingi ng tulong sa inyo na tayo ay magkaisa sa pagse-segregate ng ating mga basura upang mabawasan ag ating mga basura na bumabara sa ating mga kanal na isa sa dahilan ng pagbaha dito sa ating lungsod. Tayong lahat ay magbayanihan para sa mas malinis na kapaligiran,” pagwasakas pa niya.

AUTHOR PROFILE