Palpak PALPAK–Diretso kulungan ang suspek na nahuling nandudukot ng cellphone sa LRT Carriedo station sa Sta. Cruz, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

‘Mandurukot’ tiklo sa LRT Carriedo

April 15, 2024 Jonjon Reyes 61 views

ARESTADO ang pinaghihinalaang mandurukot sa loob ng Light Rail Transit (LRT)-1 ng mga tauhan ng Manila Police District-Theft and Robbery Section noong Sabado sa Carriedo station sa Sta. Cruz, Maynila.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 308 (Theft Through Pickpockets) at Article 151 (Resistance and Disobedience) ang suspek na nakilalang si alyas Adonis ng Laguna St., Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Bandang alas-8:00 ng umaga ng maaktuhan ang suspek na binibiktima si Jeza dalaga na nagtangkang nenokin ang kanyang cellphone.

Noong una hinayaan lang muna ng biktima ang suspek at nang maramdaman niyang nakuha na ang kanyang cellphone, doon na siya nagsisigaw at humingi ng tulong.

AUTHOR PROFILE