Default Thumbnail

Malapit nang bumaba ang singil sa kuryente dahil kay Cong. Dan Fernandez

October 13, 2022 Marlon Purification 397 views

Marlon PurificationMALAKING bagay ang ginawang pakikipaglaban ni Sta. Rosa City, Laguna Rep. Dan Fernandez upang maitama ang maling computation sa singil sa kuryente.

Sa budget hearing ng Energy Regulatory Commission (ERC), binusisi isa-isa ang mga maling computation na ginagawa para singilin ang ating mga kababayan.

“An end is imminent to the unfair and wrong computation of power transmission cost that has inflated electricity cost in the country,” anang kongresista.

Dahil dito, mismong mga ERC officials na ang nagbigay katiyakan na inuumpisahan na nila ang proseso ng pag-reset sa komputasyon ng singil sa kuryente, kasama na ang Weighted Average Cost of Capital at Regulatory Asset Base (RAB).

Sinabi ni ERC Chairperson at CEO Monalisa C. Dimalanta na ipatutupad ng kanilang ahensiya ang nakatadhana sa ‘Amended Rules for the Setting Transmission Wheeling Rates (RTWR).’

“We are happy that finally after seven years, justice will be served the aggrieved consumers. Through our persistent call for the adoption of the lawful computation of the transmission rate, ERC pledged to start the process of re-computation, which should be based on 6.84% and not the current 15.04% WACC,” dagdag pa ni Fernandez.

Sinabi ni Dimalanta na ang ‘reset’ na kanilang gagawin ay mula sa ‘fourth regulatory period’ mula taong 2010 hanggang 2015.

“For seven years we were made to suffer from wrong transmission rate that is reflected on our electricity monthly bills,” wika pa ni Fernandez.

Para sa kongresista, hindi naging makatarungan sa mga kababayang ‘consumers’ ang ginawang mataas na pagsingil ng WACC na 15.04 percent sa halip na anim hanggang nine percent lamang na ‘cost electricity computation.’

Ipinaalala ni Fernandez kay Dimalanta na ang ang 6.84 % WACC for transmission rate ay dapat ginawa ng ERC dahil nakatala ito sa Transco report na isinumite ng dating president ng ahensiya na si Melvin Matibag noong July 23, 2018.

Ang WACC for distribution companies tulad ng Meralco ay dapat ding ma-recompute sa lalong madaling panahon.

“For seven years, Meralco and similar power distributors were allowed to collect distribution cost from consumers based on a high and unconscionable WACC of 14.97 %. Former ERC consultant Romulo Neri was commissioned to compute it and he came up with a lower regulatory WACC of just 8.5 percent, or a disparity of over six percent,” dagdag pa nito.

Sakaling maging maayos ang computation para sa Fourth Regulatory Period for 2016-2022, maaaring makapag-refund ang mga consumers ng kabuuang P105 billion at mapapababa ang singil sa kuryente sa susunod na taon.

Sen. Win gatchalian: Tiyakin ang supply ng kuryente

Samantala, sinabi ni Senador Win Gatchalian ang Manila Electric Company (Meralco) na tiyakin ang tuluy-tuloy na suplay ng kuryente para sa mga customer nito kasunod ng desisyon kamakailan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na tanggihan ang petisyon para sa pagtataas ng singil na inihain ng Meralco at ng power-generation arm ng San Miguel Corporation (SMC).

“Bilang contracting party ng power supply agreement, dapat tiyakin ng Meralco sa mga customer na tuloy-tuloy ang suplay ng kuryente alinsunod sa kanilang kontrata sa SMC,” ayon kay Gatchalian.

“Pinupuri ko ang ERC sa pagpapatupad nito ng batas. Ito ay isang magandang balita upang matiyak rin na ang ibang manlalaro sa industriya ay sumusunod sa kanilang mga kontrata,” dagdag ng senador.

Ang desisyon ng ERC ay nagmula sa desisyon noong 2019 ng electricity arm ng SMC na San Miguel Global Power Holdings Corporation (SMCGP) at mga subsidiary nito na pumasok sa dalawang kasunduan para magsuplay ng enerhiya sa mga customer ng Meralco—sa Sual coal-fired power plant sa Pangasinan at Ilijan natural gas plant sa Batangas.

Noong pirmahan ang mga kasunduan, ang presyo ng coal ay nasa $65 / metric ton (MT) na mula noon ay tumaas sa mahigit $400/MT. Ang pagnipis ng suplay mula sa Malampaya natural gas field ay nagresulta sa pagkatuyo ng planta ng Ilijan. Dahil dito, napilitan ang San Miguel na bumili ng enerhiya sa ibang bansa sa mas mataas na halaga, na nagreresulta sa pagkalugi nito. Ito ang nanghikayat na maghain ng petisyon sa ERC para magtaas ng singil na tinanggihan naman ng ERC.

“Kinikilala natin na mahirap ang trabaho ng ERC para balansehin ang interes ng mga consumers at mga industry players. Dahil patuloy na nakakaranas ng paghihirap ang mga consumers sa gitna ng patuloy na pagtaas ng inflation at pagbaba ng halaga ng piso, pinupuri namin ang ERC sa desisyon nito dahil makakapagbigay ito ng ginhawa para sa mga consumers,” ayon sa kanya.