Maine

Maine, ratsada sa kaliwa’t kanang raket

October 17, 2021 Ian F. Fariñas 389 views

BALIK-Eat Bulaga si Maine Mendoza sa October 28 at tatlong araw siya maglalagi sa lock-in taping ng longest-running noontime show sa bansa.

Siguradong aabangan ng fans ni Meng ang pagbabalik-EB niya dahil miss na rin siya ng mga ito kahit pa nga sabihing napapanood din siya sa iba pang programa tulad ng Daddy’s Gurl nila ni Bossing Vic Sotto, #MaineGoals ng BuKo Channel at Popinoy sa TV5.

Gaya ng Kapuso primetime queen na si Marian Rivera, wala ring paglagyan ng kasiyahan si Meng dahil sobrang blessed sa dami ng trabaho sa gitna ng pandemya.

Wala rin siya halos pahinga buong linggo sa kaliwa’t kanang commitment, walang kare-reklamo at napakasipag na tinutupad ang lahat ng natanguang proyekto.

Bukod sa apat na regular shows, marami ring dapat abangan na pasabog ang fans ni Maine sa huling quarter ng 2021.

AUTHOR PROFILE