Kim

Kim, nag-react sa pagtawag sa kanya ng ‘tanga’

October 17, 2021 Vinia Vivar 356 views

Hindi biro ang mga pamba-bash na naranasan ni Kim Chiu last year dahil sa “bawal lumabas” remark niya na talaga namang pinag-usapan nang bonggang-bongga.

Aminado ang aktres na talagang hindi naging madali sa kanya ang pag-deal sa mga basher.

“Last year was the super challenging year talaga for me to deal with those people,” sey ni Kim sa recent online interview ng ABS-CBN.

Feeling raw niya, lahat ng gawin niya ay naka-microscope at napapansin talaga lahat ng kanyang mali.

Pero natutunan na niya kung paano i-deal ang mga basher para na rin mapangalagaan ang kanyang mental health.

“For me, learn from your mistakes. And then take care of your mental health also, protect yourself from those people who can actually hurt you. Tao din naman kami. ‘Pag may nagsasabi sa ‘yong, ‘Ang tanga-tanga mo,’ ang sakit-sakit naman.

“Pero iniisip ko na lang, hindi naman niya ako kilala. Bakit niya ako sasabihan ng ‘tanga’? Hindi naman tayo magkakilala, so bakit ka magkakaroon ng freedom to tell me those things? Nasi-segregate ko na ‘yung people who can actually hurt me and people who can just pass by,” she said.

Alam naman daw niya na walang madaling buhay at kasama talaga ang mga ulan at bagyo sa buhay ng tao.

Sa 15 years niya sa showbiz ay napakarami rin daw niyang ups and downs na dinaanan.

“There is no easy life. ‘Di ba bago magka-rainbow, may ulan muna, may baha, may bagyo? So that’s part of it. ‘Yung showbiz career, parang life line — up, down, up, down — as long as it’s doing that, buhay ka pa, okay pa ‘yun,” sey pa ni Kim.

GMA ZAMBOANGA, NI-LAUNCH

Lalo pang pinalakas ng GMA Network ang paghahatid ng balita at local features sa Mindanao sa pagbubukas ng GMA Zamboanga.

Pinangunahan ni GMA Regional TV and Synergy First Vice President and Head Oliver Victor Amoroso ang official launch ng GMA Zamboanga nitong Huwebes.

Ito ang ika-apat na regional station ng Kapuso Network sa Mindanao at ika-10 naman sa buong bansa.

Mula sa state-of-the art studio sa Zamboanga City, ang GMA Zamboanga ang magsisilbing Western Mindanao hub ng GMA Regional TV at maghahatid ng Serbisyong Totoo sa Kapuso viewers sa Zamboanga Peninsula, partikular sa Zamboanga City at mga probinsya ng Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, at Zamboanga del Norte hanggang sa karatig probinsya ng Basilan, Tawi-Tawi at Sulu.

Dahil dito, mas lumawak at lumakas pa ang pagbabalita ng unified local Mindanao newscast na GMA Regional TV One Mindanao kasama ang anchor na si Sarah Hilomen-Velasco at co-anchors niyang sina Jandi Esteban mula GMA Davao; Cyril Chaves mula GMA Cagayan de Oro; Argie Ramos mula GMA Zamboanga; at Sheillah Vergara-Rubio at Rgil Relator na parehong magrereport mula sa GMA Davao.

AUTHOR PROFILE