Armaine

Maine, ipinagtanggol si Arjo

August 19, 2021 Vinia Vivar 114 views

Ipinagtanggol ni Maine Mendoza ang boyfriend na si Arjo Atayde sa isang netizen na pinuna ang aktor sa napabalitang pag-alis niya sa Baguio kahit na COVID-19 positive siya.

Komento ng netizen sa Twitter, “@mainedcm, ayaw kong maniwala na kaya mong itolerate ang mali, na mas pabor sayo ang ginawa ni atayde kesa sa safety ng maraming tao. Hindi isang Maine Mendoza yun.”

Sinagot ito ni Maine at aniya, hindi alam ng mga tao ang buong kwento kaya sana ay huwag agad i-judge si Arjo.

“Hello! I am not “tolerating” him but there’s just so much you do not know about the story. And I hope he gets the chance to tell his side and the context of what had happened these past few days. I also hope you do not base your judgments solely on what you see online..” reply ni Maine.

Pahabol pa niyang tweet, “… because you might just be seeing an angle of the real scenario.”

Matatandaang sa panayam ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ay sinabi niyang bigla na lang umalis lumuwas si Arjo ng Manila at iniwan ang mga kasamahan sa Baguio.

Nagpaliwanag na ang kampo ni Arjo na kaya umalis ang aktor ay para magpa-confine sa hospital sa Manila dahil nakakaranas na ito ng sintomas ng virus tulad ng lagnat, sakit ng ulo at pangangapos ng hininga.

PERSONAL MISSION

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang maigsi pero markadong role ni Alfred Vargas sa seryeng Legal Wives ng GMA-7. Ang dami ngang nanghinayang na namatay agad ang kanyang karakter.

“Actually, nagulat ako. Akala ko hindi mapapansin na nagbalik-TV ako pero nagustuhan nila at maraming nga ang nanghinayang kasi namatay agad ang character ko. It was a guest role. Short and meaty and sweet. At this point in my career, it’s really fulfilling na they still appreciate the effort I put into my craft,” sey ni Cong. Alfred in a recent interview.

“Unang-una, I’m very proud to be part of such a beautiful and important project. Natuwa ako na I get to act again kaya I really worked hard on my role as Nasser Makadatu. Every role naman is a unique experience. Preparing for a role is always challenging and acting is always a fun experience. GMA network has always given me meaningful roles. Gustong-gusto ko yung mga roles that inspire while challenging my craft. I think that’s what I love about being an actor,” aniya.

Sa ngayon kasi ay mas priority ni Alfred ang pagiging representative ng District 5 ng Quezon City pero siyempre, hindi naman niya pwedeng talikuran ang pag-arte dahil ito ang kanyang first love.

“When I chose to serve, I already embraced serving as part of my life. Kaya I can’t really accept roles that require prolonged stay sa lock-in taping. Siyempre, hindi pwedeng maapektuhan ang paglilingkod ko sa tao. Public service is my utmost priority.

“Pero ’pag maayos ang latag ng schedules, ’pag maganda at substantial ang role, walang conflict. Acting and public service are already engraved in my heart. Hindi na siya trabaho para sa akin. I am blessed to have the opportunity to be in both fields,” sey ng aktor/politiko.

“Acting will always be my passion, it’s my first love. But I knew that I was destined to be in public service. It’s my vocation. Simple lang naman ang reason kung bakit ako artista at kung bakit ako public servant. In both fields, I just want to inspire people in my own unique way. In that sense, I can create positive change. That’s my personal mission,” pahayag pa ni Cong. Alfred.

AUTHOR PROFILE