FPJ

FPJ buhay na buhay ang alaala

August 19, 2021 Aster Amoyo 1226 views

YollyNAPAKAHALAGA ng araw na ito, August 20 (Friday) dahil ito ang kaarawan ng dalawang kilalang personalidad sa mundo ng showbiz, ang King of Philippine Movies and Action King na si Fernando Poe, Jr. na mas kilala as FPJ at ng lead vocalist ng OPM group na Cinderella who eventually went solo na si Yolly Samson. Yolly was known for her melodic and angelic voice behind the hit songs na “Bato sa Buhangin,” “Superstar ng Buhay Mo,” “May Crush Ako Sa `Yo,” “Tulak ng Bibig Kabig ng Dibdib,” “Sa Aking Pag-iisa,” “Ang Boyfriend Kong Baduy” at iba pa. She was married to record executive and producer Chito del Rosario Ilacad at nagkaroon sila ng tatlong anak na sina Michael, Michelle at Miggy Ilacad. She was a former student ng UST in mid 1970’s and died of brain cancer at age 41 nung November 21, 1987.

FPJ or Ronnie would have been 82 sa araw na ito kung ito’y nabubuhay pa. He died of heart attack nung December 14, 2004.

Si FPJ ay isinilang nung August 20, 1939 to a Spanish mestizo father, ang actor, director at producer na si Fernando Poe, Sr. at sa kanyang American-Irish mestiza mother na si Elizabeth `Bessie’ Kelley. Dalawa sa mga kapatid ni FPJ ang sumunod sa kanya sa pag-aartista na namayapa na rin, sina Andy Poe, ang totoong Fernando Poe, Jr. at ang kanilang half-sibling na si Conrad Poe.

FPJ’s real name was Ronald Allan `Ronnie’ Poe. Ginamit lamang niyang screen name ang Fernando Poe, Jr. dahil sikat na sikat na noon ang kanyang amang si Fernando Poe, Sr.

Unknown to many, ang real family name ng mga Poe ay Pou na siyang apelyido ng Spanish grandfather ni FPJ, ang playwright at businessman na si Lorenzo Po na nagmula sa Majorca, Spain na nag-venture into business at mining sa Pilipinas.

Thirty four years old lamang ang ama noon ni FPJ na si Fernando Poe, Jr. nang ito’y sumakabilang-buhay dahil sa rabbies kaya naiwan kay FPJ ang responsibilidad bilang breadwinner ng kanyang pamilya. Nagsimula siyang messenger at stuntman sa Everlasting Pictures.

Taong 1955 nang mabigyan ng break si FPJ sa pelikulang pinagbidahan ng kanyang ama, ang “Palaris” in 1955 pero ang biggest break niya ay dumating a year later (1956) nang gawin niya ang pelikulang “Lo’Waist Gang’ na dinirek ni Pablo Santiago, ang yumaong ama ng magkakapatid na Randy, Rowell at Raymart Santiago. Nakasama sa movie ni FPJ sina Corazon Rivas, Zaldy Zshornack, ang ama ng magkakapatid na Herbert, Hero at Harlene Bautista na si Herminio `Butch’ Bautista, Max Alvarado, Lani Padilla, Boy Francisco at iba pa.

Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang paggawa niya ng pelikula na siya mismo ang bida which earned for him the tag na “action king” and eventually, ang paigiging “King of Philippine Movies”.

Nung nabubuhay pa si FPJ, napakarami niyang nagawang classic films numbering to about over 300 tulad ng “Santiago” na dinirek ni Lino Brocka, “Aguila” ni Eddie Romero, “Asedillo” ni Celso Ad Castillo at kasama na rito ang pelikulang “Ang Probinsyano” kung saan hango ang top-rating and longest-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin. Ang pelikulang “Ang Probinsyano” ay tinampukan din nina Dindi Gallardo, Amanda Page, Janus del Prado at iba pa na si FPJ din mismo ang nagdirek as Ronwaldo Reyes.

Si FPJ ay hindi lamang award-winning actor kundi isa rin siyang director at producer. Bilang director ginamit niya ang pseudonym na Ronwaldo Reyes

Kahit magsi-17 years na siyang namayapa, ang pangalang FPJ ay nananatiling nakaukit sa puso ng kanyang mga taga-suporta habang ang kanyang mga iniwang pelikula ay patuloy pa rin naipapapalabas sa telebisyon habang ang isa ay binigyan ng bagong buhay sa telebisyon ng young FPJ in the making na si Coco Martin. Ang nakakalungkot lamang ay hindi nag-abot ang dalawa nung nabubuhay pa si FPJ who happens to be the number one idol ni Coco and his grandmother.

“Bata pa ako noon ay madalas akong dalhin ng lola ko sa sine para panoorin ang mga pelikula ni FPJ,” pagbabalik-tanaw ni Coco sa kanyang idolo.

“Kaya lumaki akong FPJ fan,” pag-amin pa niya.

Samantala, may lumulutang na balita na next to “FPJ’s Ang Probinsyano” ay gagawin din umano ni Coco ang “Batang Quiapo”.

Kasal nina Kris at Perry matutuloy ngayong taon

KrisSTARSTRUCK alumnus (4th season)-turned actress and entrepreneur Kris Bernal could have been officially Mrs. Perry Choi nung nakaraang June 5, 2021 pero dahil sa pandemic ay wala siyang naging choice kundi ang iurong ang petsa ng kanilang kasal na inaasahang mangyayari pa rin sa loob ng taong kasalukuyan.

Kris and Perry got engaged nung February 6, 2020 matapos ang tatlong taong pagiging mag-kasintahan.

DJ Loonyo may bagong girlfriend

LoonyoMASAYA ngayon ang China-based dancer-choreographer at social inluencer na si DJ Loonyo (25) dahil meron na siyang girlfriend na nagpapasaya sa kanya, ang dancer-choregorapher ding si Fay Protacio na kanyang ibinahagi sa Instagram at tinawag niyang Gugma, isang Viasayan term for `love’.

Remuel Lunio in real life at isinilang at lumaki sa Cagayan de Oro, inakala noon ng netizens that there was something special sa kanila ng sexy star at top vlogger na si Ivana Alawi pero nag-collaborate lang ang dalawa.

Ngayong may bagong inspirasyon na si DJ Loonyo, tiyak na mas ganado ito sa kanyang mga ginagawa ngayon lalupa’t iisa ang kanilang passion, ang pag-sayaw.

Myrtle ngayon lamang nabigyan ng project sa GMA

MyrtleAFTER being with ABS-CBN for eight years, lumipat ng GMA ang cosplayer at ex-PBB housemate-turned singer-actress na si Myrtle Sarrosa nung nakaraang taon, 2020. But since her transfer to GMA ay ngayon lamang ito nabigyan ng TV series assignment sa pamamagitan ng “Nagbabagang Luha” na pinagbibidahan nina Glaiza de Castro at Rayver Cruz at kung saan din kasama sina Mike Tan, Gina Alajar, Claire Castro, Allan Paule at iba pa na pinamamahalaan ng actor-director na si Ricky Davao.

It was on February 21, 2020 nang maging official na Kapuso si Myrtle matapos itong lumagda ng management contract with GMA Artist Center. Naing Kapuso siya bago pa man dumating ang pandemya at pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.

Myrtle graduated from college sa University of the Philippines kung saan siya nagtapos ng Broadcast Journalism cum laude.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter and TikTok@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE