MPK

Fat and Furious: The Adventures of Boobsie on ‘Magpakailanman’

August 19, 2021 Eugene E. Asis 149 views

NAPAPANOOD natin siya sa TV shows gaya ng Sunday Pinasaya, Bubble Gang at Celebrity bluff. Sinusubaybayan din siya ng karamihan sa shows niya sa comedy bars. Kinatutuwaan siya dahil sa cute nyang character o itsura bilang isang inosenteng bata. Siya si Boobsie Wonderland.

Ngunit sa kabila ng kasikatan, anu-ano ang kanyang mga pinagdaanan bago makamit ito? Ano nga ba ang totoong katauhan sa likod ng inosenteng bata na kanyang ginagampanan?

Bata pa lang ay madiskarte na si Boobsie. At dahil may talento sya sa pagkanta at pagsayaw, sa murang edad ay nakapagtrabaho sya sa ibang bansa bilang entertainer. Dito nya nakilala si Lito, nagsimula sila bilang live-in partner hanggang sa makalipas ang halos 9 na taon at doon na nila naisipan magpakasal.

Unti-unti din nakilala si Boobsie na nagsimula sa screen name na “Jane B” hanggang sa naging ‘Boobsie Wonderland”. Ngunit ang mala-fairytale niyang buhay ay di kumpleto kung puro saya lang ang kanyang mararamdaman. Kaya sa pagdaan ng panahon ay sinubukan din ang kanyang katatagan hindi lang bilang komedyante, ngunit bilang isang anak, ina at asawa.

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, hosted by Mel Tiangco, mapapanood ang nakakakilig at nakakatuwang kwentong ito na pangungunahan ng mismong si Boobsie, at makakasama sina Ms. Elizabeth Oropesa, Jay Manalo, Jong Cuenco, Cai Cortez, Tonet Guaio,Kenken Nuyad, Joanna Marie Tan, Prince Clemente at Makee Dulalia.

Ang episode na “Fat and Furious- Ako si Boobsie Feeling Sexy: The Mary Jane Vallero story” ay sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Direk Rechie Del Carmen, mula sa panulat ni Senedy Que at pananaliksik ni Angel Launo. Mapapanood ngayong Sabado, May 20, pagkatapos ng Pepito Manaloto.

AUTHOR PROFILE