Andrea

Magdyowang Andrea at Ricci, nag-celebrate ng 1st anniversary

April 10, 2023 Vinia Vivar 408 views

Nagdiwang ng kanilang first anniversary ang magdyowang sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes last April 9 at idinaan nila sa social media ang kanilang pagbati sa isa’t isa.

Nag-post si Ricci ng iba’t ibang larawan nila ni Andrea taken during the past year at sa caption, he wrote, “1 year witchu! Happy Anniversary!”

Si Andrea naman ay nagbahagi rin sa kanyang IG Story ng mga sweet photo nila ni Ricci and wrote, “Happy anniversary love @ricciiirivero.”

Matatandaang April 9 last year nang mag-propose publicly si Ricci kay Andrea matapos manalo ang team niyang University of the Philippines Fighting Maroons na sinagot naman ng aktres ng “yes.”

AUTHOR PROFILE